^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pinatatahimik lang ba ang drug ‘assets’?

Pilipino Star Ngayon

MAHIGIT 80 na ang napapatay na drug suspects mula Enero 1 hanggang Hunyo 19, 2016 ayon sa Philippine National Police. Pinakamarami ang nautas na drug pushers mula Mayo 10 (isang araw makalipas ang eleksiyon) at nagtutuluy-tuloy hanggang sa kasalukuyan. Masyadong naging masigasig ang mga pulis nang makumpirmang si Davao City mayor Rodrigo Duterte ang susunod na presidente. Pinakamarami ang napatay sa Metro Manila, na sinundan ng Central Luzon, Southern Tagalog at Central Visayas.

Kamakalawa, anim na drug suspects ang napatay sa Cavite at Laguna. Noong Lunes, dalawang drug suspects ang napatay sa Rizal nang makipagbarilan sa mga awtoridad. Ayon sa mga residente, ang dalawang napatay ay matagal nang tulak ng droga sa kanilang lugar.

Katanggap-tanggap ang ginagawa ng mga pulis na pagdakma sa drugs suspects. Talamak na ang problema sa illegal na droga at kung hindi gagawa ng puspusang pagtatrabaho ang mga pulis laban sa mga “salot” na drug lord at traffickers, kawawa ang kalagayan ng kabataan at iba pang lulong sa bawal na droga. Ang pagtaas ng krimen ngayon ay iniuugnay sa pagkasugapa sa shabu.

Subalit sa kabila nang sunud-sunod na pagpatay at paghuli sa drug suspects, marami rin naman ang nagtataka kung bakit ngayon lang naging maigting ang PNP sa pagdakma sa drug suspects gayung matagal nang problema ito ng lipunan. Bakit tiyempo­ ang kanilang operasyon sa drug suspects sa pagpapalit ng administrasyon.

Nagpapasikat ba sila kay president-elect Rodrigo Duterte at incoming PNP chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa kaya ganito sila kasigasig? May mga nagsasabi na pinatatahimik lang nila ang mga drug suspect para hindi sila idawit? Hindi lingid na maraming pulis ngayon ang nagre-recycle ng shabu na kanilang nakukumpiska. Halimbawa rito ay ang isang pulis na nahulihan nang maraming shabu sa kanyang palasyong bahay sa Balic-Balic, Sampaloc, kamakailan.

Banta ni Duterte sa mga pulis na pinatatahimik ang kanilang assets para hindi sila ikanta, magbitiw na ang mga ito sapagkat malalaman din niya ang lahat. Sabi naman ni ‘‘Bato’’ dela Rosa ang mga pulis na sangkot sa droga ay dapat ding mamatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with