^

PSN Opinyon

Probinsyano, probinsyana

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

LUMALABAS na ang binoto  ng sambayanang Pilipino noong nagdaang Mayo 9 na halalan ay isang probinsyano sa pagka-presidente at probinsyana naman sa pagka-bise presidente.

Para na ring umaatikabong bakbakan sa larangan ng pulitika ang kampanyang nagdaan na ikinasakit ng damdamin ng mga talunan at ikinatuwa ng mga nanalo. 

Maliban sa kanilang pagiging taga-probinsya, si president-elect Rodrigo Duterte at vice president-elect Leni Robredo ay kapwa walang experience o karanasan sa national election, kaya masasabi na silang dalawa ay wala ring matatawag na national base ng voters. 

Si Duterte hanggang mayor ng Davao CIty lang ang tinakbuhan noong nagdaang mga halalan bagama’t minsan siyang na­ging vice mayor at naging first district Representative rito. Ganun din si Robredo na naging Congresswoman lang ng Camarines. 

Ni minsan hindi tumakbo bilang senador ang dalawa bago pa man sila tumakbong presidente at bise presidente.

Kaya si Duterte at Robredo ay matagumpay na nanungkit ng mga boto ng kanilang mga katunggali na dati nang naging senador o di kaya’y naging bise presidente. Laging pinagyayabang ng kanilang mga katunggali noon na may boto na silang maaasahan sa mga bomoto sa kanila noong nagdaang 2010 at 2013 na halalan.

Ngunit iba ang kinalalabasan. Sinungkit ni Duterte at Robredo ang mga inangkin nilang dating boto. Lesson #1 dito, huwag masyadong assuming. 

Ito ay indikasyon na rin na ang  Sambayanang Pilipino ay gusto ng pagbabago sa pamahalaan natin at hindi lang ‘yong mga dating muka na nandun na nanilbihan sanagdaang administrasyon.

Kaabang-abang ang susunod na anim na taon kung anong pagkakaiba at pagbabago na maidulot ng mga promding ito, ang RO-RO ng bayan ngayon, Rodrigo-Robredo na nga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with