^

PSN Opinyon

Patama ng G7

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

KUNG ibinibida ng China na may 40 bansa na sang-ayon sa kanilang katayuan sa mga isyu ng teritoryo sa West Philippine Sea, nagpahayag naman ang Group of Seven (G7) ng pangamba sa sumasamang tensyon sa nasabing karagatan, at nanawagan na huwag idaan sa dahas ang pagresolba sa isyu, kundi sa tamang pamamaraan base sa international na batas. Nagtipun-tipon ang mga pinuno ng G7 sa Japan kamakailan. Siguradong patama ito sa China, kahit wala namang binanggit na bansa, na siya namang agresibo sa pag-aangkin, sa pagtatayo ng mga artipisyal na isla at paglagay ng mga sandata at iba pang militar na kagamitan sa mga islang pinagtatalunan pa.

May kasabihan na kung sino ang unang pumiyok, hindi ba? Agad naglabas ng pahayag ang China at sinabing hindi ikinatuwa ang pahayag ng G7. Sinita na walang kinalaman ang mga bansang miyembro ng G7 sa masalimoot na isyu sa karagatan natin. Hindi miyembro ang China sa G7. Pero tandaan na miyembro ang Japan sa G7, na may sariling mga problema at isyu sa China hinggil rin sa teritoryo. At dahil mahalaga ang karagatan sa kalakalan ng buong mundo, tama lang na dapat manatiling malaya ang paglayag at paglipad sa rehiyon, kung saan walang takot na masalubong ng mga eroplano o barkong pandigma ng China.

Kailan lang ay nagreklamo ang Amerika sa ginawang delikadong paglipad ng isang eroplanong pandigma ng China malapit sa kanilang eroplano na hindi naman armado. Tila mas agresibo na ang pagsalubong sa mga ginagawang “freedom of navigation and over flights” ng Amerika. Kailangan din mabanggit na malapit na lumabas ang desisyon ng UN arbitration court hinggil sa inangat nating reklamo laban sa ginagawang pagtayo ng mga artipisyal na isla ng China. Kaya ba agresibo na?

Mas maganda sana na bukod sa opisyal na pahayag ng G7 ay may kaukulang aksyon din mula sa kanila. Hindi pwedeng sabihin ng China na walang kinalaman ang G7 sa isyu sa West Philippine Sea at napakaraming barkong nagdadalang kalakal ang dumadaan dito. Ang sinsabi ng G7 ay hindi puwedeng isang bansa ang may hawak sa karagatan. Isang bansa na minamaliit ang mga ibang bansa na may karapatan din sa nasabing karagatan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with