^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Honoraria ng mga guro, ibigay na

Pilipino Star Ngayon

UMAABOT sa 475,000 guro sa buong bansa ang nagsilbing Board of Election Inspectors (BEIs) noong May 9 elections. Naka-deploy sila sa may 92,000 polling centers. Marami sa kanila ang nalipasan ng gutom at mayroon pang nagkasakit pero tiniis iyon para lamang makapagsilbi sa halalan.

Pero ang masaklap, marami pa sa mga nagsakripisyong guro ang hindi pa natatanggap ang kanilang honoraria o bayad sa kanilang pagsisilbi sa elections. Umano’’y mahigit pang 100,000 guro ang hindi pa natatanggap ang bayad. Wala umanong laman ang ATM card na inisyu ng Come­lec.

Mahigit dalawang linggo na ang nakalilipas mula nang idaos ang election pero marami pa ring guro ang naghihintay sa kabayaran. Naiproklama na ang mga senador at partylist representatives at noong Biyernes, tinapos na ang canvassing para presidente at bise presidente kung saan nanalo sina Rodrigo Duterte at Leni Robredo, pero wala pa rin ang inaasam na honoraria.

Nagtataka ang mga guro kung bakit hindi nasunod ang sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na agarang ipagkakaloob sa mga BEIs ang kanilang honoraria. Agad daw maiwi-withdraw sa ATM ang perang kabayaran. Umaabot sa P6,500 ang bayad sa mga guro na nagsilbing BEIs.

Nakasaad sa Republic Act No. 10756 na hindi dapat made-delay ang kabayaran sa mga gurong nagsilbi sa eleksiyon. Maituturing na election offense ang hindi pagbibigay sa tamang oras ng kabayaran para sa mga guro.

Ayon naman sa Comelec, hindi 100,000 ang mga guro na hindi pa nakatatanggap ng honoraria kundi 66,000 na lamang. Ayon kay Comelec chairman Andres Bautista, nabayaran na nila ang may 410,000 na guro.

Pagkatapos ng eleksiyon, laging naiiwan ang mga guro sa kangkungan. Napakinabangan na kasi sila kaya binabalewala na. Tapos na ang kanilang pagsisilbi kaya pinababayaan na lamang. Kawawa naman ang mga guro na ang ilan ay nalalagay pa sa panganib ang buhay dahil sa pagsisilbi sa election.

Magising na sana ang Comelec at ipagkaloob na ang kabayaran sa mga guro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with