^

PSN Opinyon

Bagong Digong

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

KAPAG naupong Pangulo ng bansa si president-elect Rodrigo Duterte, nangako siya na magiging pino na ang kanyang asal. Marahil aalisin na niya ang mga malalaswang salita at pagmumura sa kanyang bokabularyo. Sana. Sana lang.

Pero sa ngayon, ibig daw ni Duterte na mag-enjoy sa natitirang panahon bago siya maupo sa pagpa­panatili ng kanyang “kagaspangan” o rudeness.

Aniya “I am enjoying the last days of my rudeness.” Totoo naman na marami siyang dapat baguhin sa kanyang asal kapag nagsimula siyang manungkulan bilang Pangulo. Kasi’y makakasalamuha niya ang international community na doo’y may sinu­sunod na protocol na hindi puwedeng labagin.

Nagkaroon ako ng pagkakataong i-cover si Presidente Marcos nang siya ay magtungo sa Amerika noon. Sa Washington, nakita niya na maraming Pilipinong ibig kumamay sa kanya kaya kusa niyang nila­pitan. Pero maagap ang US secret service agents at si Marcos mismo ay ibinalya palayo sa mga tao. Kung may mangyari nga naman kay Marcos, malaki ang pananagutan ng Amerika. Kaya hindi ubra ang sinasabi ni Duterte na ayaw niya ang maraming security.

Naniniwala ako na manganganib ang buhay ni Duterte sa mga kriminal na sektor na kanyang ibig saga­saan gaya ng mga drug lords kaya dapat lamang na tanuran siya at bigyan ng mahigpit na seguridad.

Kung masasawi si Duterte, hindi lang ito problema ng kanyang pamilya kundi ng buong bansa. Kaila­ngan na rin marahil matutong magsuot ng Amerikana at barong-tagalog na piña o jusi si Duterte dahil may mga espesyal na okasyon na may tinatawag na dress code na dapat sundin.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with