^

PSN Opinyon

Tunay na kampeon

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NAGING bisita ng Universidad de Manila (UDM) ang mga kampeon ng UAAP Women’s Volleyball Tournament 2016 na De La Salle Lady Spikers noong second week ng Mayo. Marami ang natuwa sa pagdalo ng mga sikat na sikat at hinahangaang idolo sa isang munting Unibersidad na pag-aari ng pamahalaang lokal. Ang mga fan favorites sa pangunguna nina Mika Reyes, Ara Galang, Kim Fajardo, atbp. ay talaga namang ikinagalak na makadaupang palad ng mga bata. Kahit hindi sila mapanood sa mismong pinaglalaruang stadium (dahil hindi makayanan ang matataas na ticket prices), kon todong suporta pa rin ang ibinibigay sa pamamagitan ng social media at panunood sa TV.

Ipinamahagi ng mga kampeon sa pamamagitan ng kanilang tagapagsalita na si Mika Esperanza ang ka­nilang karanasan habang humahabol sa minimit­hing kam­peonato. Ang kanilang dinaanang pagsubok ay napa­ka­hirap subalit hindi ito ininda. Sa halip ay lalo silang nagpursigi at sa huli, kahit pa nakalaban nila ang mga de kalidad na katunggali, sila din ay nagtagumpay.

Bentang benta sa mga mag-aaral ng UDM, isa sa dalawang pampublikong Pamantasan na pag-aari ng Lungsod ng Maynila, ang dinaanang paghihirap ng champion spikers. Ang ganitong uri ng hamon ay halos araw araw hinaharap ng tulad nilang mga estudyanteng salat. Tanging sa pamamagitan ng libreng college education na pinauubaya sa kanila ng lungsod matatakasan ang rehas ng kanilang kinagisnang sitwasyon.

Ang mga administrador ng mga pampublikong pamantasan ay nakakaunawa sa dinadaanan ng kanilang mga pinapaaral. Kung kaya nagiging mahigpit din ito sa mga istudyanteng sa kabila ng nakukuhang biyaya ay hindi pinagbubuti ang kanilang mga oportunidad. Lalo na kung isipin na sa bawat isang aplikanteng napapagbigyang makapasok, halos lima ang kakumpetensiya para sa kanyang slot. Ito lang ang tanging paraan upang ang pera ng taong bayang inilalaan sa free college education ay masigurong magugol nang maayos at maging daan patungo sa pagprodyus ng mga gradweyt na ikararangal at pakikinabangan ng kanilang komunidad. Mga batang maituturing ding kampeon tulad ng kanilang mga idolo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with