^

PSN Opinyon

Total ban sa mga paputok, pag-usapan na

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

SANGKATERBA na ang naglulundagan at nagpapalakpakan madlang pinoy sa plano pa lang ni incoming Prez Digong Duterte na ipagbawal ang mga malalakas na klase ng mga paputok at fireworks sa buong Philippines my Philippines.

Sabi nga, yeheeeey!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may kampana este mali kampanya pala ang Health department every year na tinaguriang ‘iwas paputok,’ para maligtas sa kapahamakan ang bawat pinoy na magpapaputok tuwing bagong taon partikular iyong mga menor de edad na mahilig bumili ng mga watusi at piccolo.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, political will lang ang dapat sa mga ito para matigil na ang mga napapahamak tulad ng napuputulan ng mga daliri, kamay, nabubulag at kung minalas-malas pa ang biktima ay maari pa silang mamatay.

‘Siempre, hindi pa kasama rito iyong mga nasusunugan na haybol,’

sabi ng kuwagong urot.

Tanong - ano ang mainam gawin kung ipagbawal ang paputok?

Sagot - torotot at iba pang klaseng pang paingay ang gamitin basta hindi nakakasakit o nakaka-disgrasiya sa madlang pinoy.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi birong salapi ang kinikita ng isang mamumuhunan sa paputok lalo’t imported ang mga ito.

‘Alam naman natin may pera sa paputok.’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Tanong - paano naman yong mga nagiging biktima?

Sagot - tiyak sa ospital ang takbo nila at kung minalas - malas pa sa sementeryo. Hehehe!

Abangan.

Marginalized sector

IBINULONG ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na dapat nang siguro na magkaroon ng porma este mali reporma pala sa sistemang party - list para magkaroon ng makatotohanan boses ang marginalized sector sa Kongreso.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bentahe sa mga party-list ang mga makapangyarihan, may salapi, at may makinarya.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, iyong mga totoong marginalized ang siyang nawawalan ng pag-asa sa Kongreso.

Bakit?

‘Kamote, tulad ng sinasabi natin sa itaas!’ sabi ng kuwagong SPO - 10 sa Crame.

Ika nga, silipin mo ang ilang party-list, sinu-sino sila?

Abangan.

vuukle comment

AMLC

ANTI-MONEY LAUNDERING ACT

BANGLADESH BANK

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with