^

PSN Opinyon

Mangingikil at manunuhol

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

ITO ang dalawang uri ng tao sa pinaka-korap na ahensiya ng gobyerno, ang Bureau of Customs.

Isang mangingikil, isang manunuhol. Isang nagpapagamit, isang manggagamit. Isang nang-aabuso at isang nagpapaabuso.   

Kung ikaw ay smuggler na ang patron ay mga kongresman, senador at mga matataas na opisyal ng gob­yerno, kahit wala nang manipesto lusot agad ang kargamento mo.

Kung isang ordinaryong negosyante naman na gustong mapabilis ang transaksyon o pag-release ng kaniyang mga imported product, bayad ka sa mga“Kuya Eddie­…ako.”

Sa Duterte administration, matutuldukan na ang sis­temang ito. Hindi na ubra ang misdeclaration, misclassification at undervalue sa pagitan ng mga importer at mga tiwaling opisyal ng BOC.     

Mandato ito mismo ni presumptive President Rudy Duterte. Lilinisin ang ahensya sa pamamagitan ni incoming Finance Secretary Carlos Dominguez.     

Ayon sa uupong kalihim, maglalagay sila ng isang gym kung saan makikita, bukas sa publiko ang bawat transaksyon.      

Upang masigurong walang itinatago ang Customs, ilalagay din daw ito sa isang website. Transparent ang magiging operasyon.

Ito naman ang magiging batayan ng Bureau of Internal Revenue sa pagpataw ng tamang buwis sa bawat kargamentong ipinapasok sa mga aduana para mapataas ang koleksyon.

Katumbas ito ng matagal ko nang tinatalakay sa BITAG Live na ‘inward foreign manifest.’

Ibig sabihin sa point of origin palang natutukoy na agad kung ano ang mga paparating na kargamento ng espisipikong importer. Magkano ang dapat bayarang buwis sa point of destination o bansang pagdadaungan ng produkto.

Dito nabukulan ang papaalis nang Aquino administration. Sa loob ng ilang taon, bagsak ang Customs sa kanilang collection target.

Kaya si Customs Commissioner Alberto Lina ang napagdiskitahan noon, mga OFW na nagpapadala ng mga balikbayan box.    

Nasa ilalim ng Bureau of Finance ang BOC at BIR. Dalawang revenue generating agency na nangongolekta ng buwis. Mataas ang kumpyansa ng mga tao na sa Duterte administration unti-unti nang matutuldukan ang korupsyon.     

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang episode mag-subscribe sa BITAG YouTube Official channel.

vuukle comment

DRUG BUST OPERATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with