^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Uniporme ng mga bata sa public school, huwag alisin

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Uniporme ng mga bata sa public school, huwag alisin

SA Hunyo 13 magbubukas ang mga klase para sa school year 2016-2017. Ngayon pa lamang, marami nang magulang ang nagkukumahog sa pagbili ng mga gamit ng kanilang anak kabilang ang school uniform. May mga bumibili ng tela sa Divisoria para maipatahi. ‘Yung iba na walang budget ay pag-aariin na lamang ang lumang uniporme.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni president-elect Rodrigo Duterte na balak niyang alisin na ang uniform ng mga estudyante sa pampublikong paaralan. Katwiran ni Duterte, gastos daw lamang ito sa mga magulang. Malaki raw ang matitipid kung naka-plain clothes ang mga bata.

Bagama’t marami ang sumasang-ayon sa balak na ito ni Duterte (lalo ang mga kapos sa budget), marami rin naman ang tumututol. Mas maganda raw kung pananatilihin na naka-uniporme ang mga bata sapagkat nakikita ang kaayusan sa mga mag-aaral. Kung plain clothes lang ang suot araw-araw baka mas magastos pa ito kumpara kung naka-uni­porme. Kailangang mag-produce ng limang plain clothes ang magulang samantalang kung may dalawang pares ng school uniform ang bata, puwede nang pampasok.

Mas maganda kung naka-proper school attire ang mga bata sapagkat naroon ang respeto sa ins­titution. Ang school ay dapat binibigyang galang sapagkat dito nag-uugat ang karunungan. Mala­king epekto sa mga bata ang paghukay ng kaalaman kung nasa wasto o tama ang attire.

Sabi ni DepEd Secretary Armin Luistro, ang “no school uniform” na balak ni Duterte ay talaga namang nakasaad sa polisiya ng tanggapan sa ilalim ng Dep­Ed­ Order No. 45 Series of 2008. Nakasaad na hindi nire-require ang mga estudyante na magsuot ng uniporme at maaaring isuot kung anuman ang exis­ting na uniporme ayon sa kanilang kagustuhan. Pero ayon kay Luistro mayroon din namang pinalabas na guidelines ang tanggapan sa kagandahan nang may tamang school attire at nasa ilalim ito ng DepEd Order No. 46, Series of 2008 kaya nanaig pa rin ang pagsusuot ng uniporme ng mga bata sa public.

Tama lang naman na naka-school uniform ang mga bata. Maayos silang tingnan at madali rin silang makikilala. Para sa amin, hindi na dapat baguhin ang regulasyon ukol sa pagsusuot ng uni­porme. Hindi naman gagastos nang malaki ang mga magulang para rito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with