^

PSN Opinyon

Matutuloy na ang tulong ng Japan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

MATUTULOY na ang pagpapahiram ng Japan ng limang TC-90 na eroplano sa bansa, para magamit sa pag-patrol ng karagatan. Ang nasabing eroplano ay may kaka­yanang magpatrol ng isanglibo siyamnaraang kilometro, halos doble ng anumang eroplanong ginagamit ng bansa ngayon. Ito ang tulong ng Japan sa bansa para mapanatili ang katatagan sa rehiyon, sa kabila ng walang humpay na paglikha ng China ng mga artipisyal na isla kung tinatayuan ng mga istrakturang militar, bukod sa mga sandata at eroplanong pandigma na inilagay na sa ilang isla. Bukod sa mga eroplano, tutulong rin ang Japan sa pagsasanay sa mga piloto at mekaniko para sa mga nasabing eroplano. Kailan kaya magsisimula ang mga patrol na iyan, at ano naman kaya ang reaksyon ng China?

Ang mga eroplano ay hindi armado ng kahit anumang sandata. Hindi muna isasama ang iba pang maseselang kagamitan at baka labag ito sa Saligang Batas ng Japan. Ang gamit ng eroplano ay para bantayan lang ang mga kilos sa karagatan. Naniniwala ang Japan na kailangan ng katatagan, hindi lang mula sa bansa kundi mula sa lahat ng bansa sa rehiyon na apektado sa pag­lawak ng China ng kanilang inaangking teritoryo. Dapat magkaisa, partikular ang ASEAN, sa isyung ito. Pero mukhang may malaking impluwensiya na ang China sa ilang miyembrong bansa ng ASEAN.

Naulat na plano na ring magtayo ng artipisyal na isla sa Scaborough Panatag Shoal, 200 kilometro lang ang layo mula sa bansa. Baka lagyan din ng paliparan at kung ano pang kagamitang militar. Masyado nang malapit ito sa bansa para gawing isang baseng militar. Hindi na dapat pinapayagan ito ng UN, kung maging pabor sa Pilipinas ang desisyon sa UN arbitration court. Kung hindi mapapatupad ang desisyon, ano pala ang halaga nito?

Dito na papasok ang mga kasunduan at pangako ng ilang bansang kaalyado natin. Marami ang nagsasabi na kasangga nila ang Pilipinas para sa malayang paglayag at paglipad sa karagatan, at anumang alitan o pagtatalo hinggil sa teritoryo ay kailangang idaan sa maayos na paraan, at hindi sa dahas, pananakot o banta. Sabihin nila iyan sa China, na matagal nang nagpapahayag na hindi nila rerespetuhin ang anumang desisyon ng UN.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with