^

PSN Opinyon

Congratulations Atty!

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. - Pilipino Star Ngayon

NADAGDAGAN na naman ang ranggo ng mga pilosopo sa Pilipinas. 1,731 ang mga pumasang bar takers sa kalaha­tang 6,605 na kumuha ng eksamen. Sa porsiyento ay 26.21 lamang­ ang pumasa. At sa lagay na iyan ay mataas na ang passing rate kumpara sa mga nakaraang bar exams.

Dito naman talaga nagkakaiba ang bar exam sa iba pang board and licensure exams sa bansa, kasama na ang medisina. Karaniwan na sa ibang disiplina ang mga national passing rate na nasa 70, 80, 90%. Pero kapag bar exam ang pag-uusapan, napakalayo ng national average. Pumapalo ito sa 20 to 25% lamang kada taon. Para kang dumaan sa butas ng karayom.

Sa kabila nito, marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi nawawalan ng pag-asa sa kanilang pangarap na ma­ging abogado. Alin mang law school ang suriin, mayorya ng kanilang aplikante kapag tinanong kung bakit nag-apply ay sasagot ng – “gusto kong makatulong sa lipunan”. Ang akala ng iba, ang pagkasilaw sa sinag ng pera ang humihila sa mga law students. Bilang isang dating dekano, alam kong ser­bisyo pa rin ang pangunahing dahilan. Kaya ako po ay nakikiisa sa pagbati at pagtanggap sa aking mga bagong kapatid sa propesyon.

Gaya ng inaasahan, nanguna muli sa Top 10 placers ang mga higanteng Law school gaya ng UP, Ateneo, San Beda at ang pangunahing law school ng Visayas, ang University of San Carlos. Hanga ang lahat sa top placer din ng Xavier University at ng Bulacan State University na nagpatunay na hindi lamang mga mayayamang paaralan ang kayang makapagprodyus ng topnotcher. Ang Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) College of Law ay nakapagtala ng 61% passing rate, ang isa sa pinakamataas nitong rating mula nang magpadala ng kandidato sa bar exams 22 years na ang nakalilipas.

Tulad ng mga bagong attorney, tayo rin ay haharap sa malaking exam sa Lunes, May 9. Basta’t malinis, matapat at mapayapa ang eleksiyon, pasado tayo lahat.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with