^

PSN Opinyon

Pagalingan ng spin doctor, ‘PR’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG araw bago ang eleksyon, mas agresibo pa ang mga spin doctor, ‘PR’ political strategists at political tacticians. Lahat ng balita, sinasala muna bago ilabas. Ultimo survey, namamanipula pabor sa kanilang kandidato.

Sa huling survey ng Pulse Asia, milya-milya pa rin ang layo ni Mayor Rudy Duterte sa presidential survey na kinomisyon ng ABS-CBN. ‘Yun nga lang si Sec. Mar Roxas na dating pangatlo, biglang naging pangalawa. Pangatlo na lang si Sen. Grace Poe sinundan ni VP Jojo Binay at Sen. Miriam Santiago.    

Kaya ang kumpyansa ni Roxas ngayon, ang labanan daw sa pagka-pangulo ay sa pagitan nalang nila ni Duterte.  Kung papaano daw siya mananalo? Sikreto!  

Sa VP Pulse Asia survey naman, si Cong. Leni Robrero ang nangunguna habang pumapangalawa si Sen. Bongbong Marcos na sinundan ng apat pang kandidato.     

Habang ginagawa ang kolum na ito, hindi pa naglalabas ng sarili nilang bersyon ang SWS. May ilang eksperto na nagsasabi, kaya daw hindi pa nila nilalabas ang kanilang survey dahil hindi pumabor ang numero sa kanilang minamanok. Pumapapel pa at nag-iisip muna ng taktika ang mga spin doctor o mga ‘PR’ person para hindi lumabas na kahiya-hiya ang kanilang kandidato.

Subalit, maglabas man ng survey result ang Pulse Asia at SWS, ‘alang pakialam ang business community. Ang kanilang tiwala at respeto wala sa dalawa bagkus nasa Laylo survey kung saan ang nangunguna ay si Duterte (42%), sinundan ni Poe (22%), Binay (18%), Roxas (16%).

‘Di ito tulad ng Pulse Asia at SWS na kwestyunable ang kredibilidad at integridad ng resulta. Hindi nakokomisyon kaya ang mga negosyante na karamihan ay mga ‘king maker’ ginagawang sukatan ang numero ng Laylo.

Marami pang isyu at balita ang maglalabasan sa loob ng natitirang dalawang araw bago ang eleksyon.

Maging matalino at mausisa sa mga nababasa, napapanood at naririnig. Baka kasi pagdating sa inyo, ang totoo, iba na ang lasa, iba na ang kulay at anggulo dahil ang mga spin doctor minamanipula ang isyu.

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang episode mag-log on sa BITAG YouTube Official channel sa youtube.com/user/bitagvideos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with