^

PSN Opinyon

Dogs of War

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

Marami ang nababahala na ang Philippines my Philippines ay magiging personal na teritoryo ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte para sa karahasan, paghihiganti at abuso sakaling siya ang mahalal na susunod na panggulo este mali pangulo pala.

Sa natitirang apat na araw bago maghalalan, nagpapakaba sa madlang Pinoy ang lahat ng matatapang na salita at iresponsableng pahiwatig ng machismo na maaaring mangibabaw sa diplomasya at lohika.

Ang madlang Pinoy na mapagmahal sa kalayaan ay naaalarma sa banta ni Duterte na buwagin ang Kongreso kapag pinagharap siya ng impeachment charges dahil sa umano’y ill-gotten wealth niya na nakatago sa dalawang bangko.

Ipinapakita lang dito ang nakakabahalang nangyayari na sapat nang pruweba na plano ni Duterte na maging “the most untouchable of all untouchable,” sa isang bansang itinuturing na sagrado ang demokrasya at pagkakapantay-pantay.

Hindi natin kailangan ang isang war general. Hindi kailangang bumalik sa mga panahon ng batas military.  Wala nang lugar sa Philippines my Philippines para sa isang tyrant.

Ipinahiwatig pa ang pagbabanta ni Communist Party of the Philippines (CPP) chairman Jose Ma. Sison na bababa mula sa bundok at lilikha ng kaguluhan ang NPA kapag natalo sa eleksyon si Duterte.

Manalo man o matalo si Duterte, nararamdaman ng mamamayan na bina-blackmail sila.

Pero, ang tiyak, kapag naluklok sa Malacanang si Duterte, parang nagpakawala ng dogs of war laban sa ating mga sarili.

Nagpahiwatig pa ang kandidatong bise presidente na si Senador Antonio Trillanes IV na magkakaroon ng kudeta para lang tanggalin sa puwesto si Duterte kapag naging panggulo este mali pangulo pala ito.

Abangan.

Echiverri vs. Malapitan

KUNG ang mga botante sa kalokohan este mali Caloocan City pala ang tatanunging malayo na ang agwat ni Recom kay Malapitan at malamang malaglag sa pagka-alkalde si Oca at si Echiverri ang humalili rito para maibalik muli ang sigla ng Lungsod.

Kaya naman hinamon  ni Caloocan Rep. Recom Echiverri si incumbent Mayor Oca Malapitan na ipaliwanag kung  bakit walang nagawa ang City Hall sa diumano’y lumalalang problema ng illegal drugs at kriminilidad sa kanilang siudad gayong malaki ang pondong ginugugol nito para sa peace and order program ng dito.

Ayon kay Echiverri, walang maipaliwanag si Malapitan sa PDEA report na halos 100 barangay na sa lungsod ang may malaking porsiyento ng problema ng droga dahil halos hindi na mapigilan ang bentahan ng shabu.

Pataas din ng pataas ang kaso ng murder, homicide at robbery/hold-up gayung napababa na ng City Hall katulong ang pulisya at mga local opisyal ng barangay ang kriminildad noong siyam na taon sa panunungkulann si Echiverri.

Ayon kay Echiverri, nabahala ang pulisya  sa report na  27 ang murder cases sa Caloocan noong 2013  kahit  puspusan ang pagbabantay nila sa mga komunidad. Pero noong naupo si Malapitan tumaas kaagad ng 150 ang murder cases sa lungsod.

Nakapagtala din ng 12 homicide case noong 2013, pero isang taon pa lang umupo si Malapitan triple kaagad ang taas ng mga kasong naitala ng pulisya.

Sabi ni Echiverri, ang problema, karamihan sa krimen na nangyayari sa Caloocan ay dahil sa mga drug addict na naglipuna sa tabi ng mga eskuwelahan at mga residential na barangay.

Napag-alaman din ni Echiverri na  nagtalaga ng maraming kalalakihan si Malapitan para daw sa peace and order program ng lungsod pero ang mga ito diumano ay nagmistulang ‘private army” ng City Hall?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Iminungkahi ni Echiverri ang unang dapat gawin ng City Hall ay magtatag  agad ng isang  “Rescue 911”  para mapabilis ang responde ng mga awtoridad at hindi ang pagtatalaga diumano ng mga goons.

Dapat bigyan suportang muli ang mga pulis para madagdagan ang police visibility sa mga barangay.

Nagulat si Echiverri bakit inalis ni Malapitan ang curfew sa mga menor de edad sa mga barangay kaya’t halos linggo-linggo may ulat ng mga gang war at ang paglipana ng mga kabataaang nalulon sa ilegal na droga na nanggugulo sa mga komunidad.

Abangan.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with