^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Huwag maging partisan

Pilipino Star Ngayon

SA una pa lang, nire-remind na ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) at iba pang law inforcement agency na huwag makikisangkot sa usaping pampulitika at wala dapat kikilingang kandidato. Nararapat na maging neutral ang mga kagawad at opisyal ng pambansang pulisya.

Pero hindi ganito ang nangyari sapagkat may ilang opisyal ng PNP na walang habas kung magkomento at mag-post ng kanilang isinasaloob sa pamamagitan ng Facebook. Nakalimutan na nila ang resolution ng Commission on Elections (Comelec) na dapat hindi maging partisan ang mga nagpapatupad ng batas. Dapat laging lumagay sa gitna at walang kinikilingan o pinapanigan.

Isa sa mga lumabag sa alituntunin ay si Chief Supt. Ronald de la Rosa, brigade commander ng Reactionary Standby Support Force (RSSF) ng PNP. Nag-post sa Facebook si De la Rosa na pumapabor kay presidential bet Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Sa kanyang post ay nakasaad ang mga pananalitang “Kayong mga mangda­daya ngayong May 9 elections, humanda na kayo! We will crush you! Kung sa binisaya pa Ligsan ta mo!” Sa isa pang post noong Marso 28, nakasaad na si Duterte raw ang may pinaka-greatest influences sa kanyang career. Kasama ng text ang isang black and white photo ni Duterte na may hawak na M16 rifle. Si De la Rosa ay nagsilbing Davao City police chief maraming taon na ang nakalilipas. Binati rin niya si Duterte nang maliga­yang kaarawan.

Ni-relieved na sa puwesto si De la Rosa dahil sa mga post sa FB, subalit itinatanggi naman ng mga opisyal ng PNP na sinibak sa puwesto si De La Rosa. Wala raw katotohanan.

Bakit kailangan pang ipagkaila na sinibak sa puwesto si De la Rosa? Dapat nang aminin na talaga namang mali na maging partisan ang mga miyembro ng PNP. Wala dapat kinikilingan ang sinumang alagad ng batas. Sensitibong isyu ito at dapat maging maingat ang mga miyembro ng PNP at iba pa. Mag-ingat sa pagsasalita o anumang pagpo-post ng comment. Noon pa, ipinaaalala na ito sa mga miyembro ng PNP. Dapat laging neutral. Walang pinapanigan o kinakampihan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with