^

PSN Opinyon

Stalemate o checkmate?

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

AKALA ko, “moment of truth” and paghaharap nina Sen. Antonio Trillanes at Attorney Salvador Panelo sa BPI Bank para mabuksan ang kontrobersyal na account ni presidential bet Digong Duterte. Nalaman na sana natin kung totoo ang akusasyon ni Trillanes na may natatagong P211 milyon si Duterte na aniya’y hindi deklarado sa kanyang SALN.

Kaso dumating sa BPI, Julia Vargas branch ang abogado ni Duterte na ang bitbit lang ay power of attorney at hindi bank waiver na magpapahintulot buksan ang naturang bank account. Humingi pa ng ilang araw ang BPI para pagaralan ang request ni Duterte na buksan ang account dahil daw meron pang legal issues na dapat maresolba.

Ang delaying tactic na ito ni Duterte ay lalu lamang nagpapa­tibay sa hinala na totoo ang akusasyon ni Trillanes na siya ay may tagong kayamanan na hindi deklarado sa kanyang statement of assets, liabilities and networth (SALN). Noong una ay todo-tanggi si Duterte na mayroong ganoong account. Kaso isang enterprising journalist ang nagdeposito ng P500 sa bank account na nailathala sa isang pahayagan at napatunayang mayroon ngang ganoong account. Kaya umamin si Duterte at nag-iba ng diskarte. Katorse mil pesos lang daw ang laman ng account at hindi P211 milyon.

May ebidensya kasi, kaya napilitang umamin si Duterte. Kumbaga sa larong chess, parang na-checkmate si Digong kung hindi man stalemate. Paano ka puwedeng magma­ang-maangan nga­yong napatunayan sa pamamagitan ng bali­dong deposit slip na totoo ang bank account na nasa pangalan ni Duterte at ng anak na si Inday Sara?

Ang problema, sa hinihinging taning na panahon ng BPI, tapos na ang eleksyon bago malaman ang nilalaman ng account. Ang ibig nga natin ay malaman na ngayon ang totoo dahil ang inaakusahan ay kandidato sa pagka-pangulo. Kung may waiver sana si Duterte, agad mabubuksan ang bank account sa mata ng publiko. Bakit  pinatatagal kung walang itinatagong anomaly? Kaya ang hamon sa mga Pilipino ay ito: Ibig ba nating magkaroon ng Pangulo na may itinatagong maitim na lihim? Isang Pangulo na walang pitagan at paggalang sa mga kababaihan? Nasa sa atin ang desisyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with