^

PSN Opinyon

Bakit kaya pinakawalan?

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

LINGGO ng tanghali, nang mapansin ng mga guwardiya ni Sulu Governor Abdusakur Tan ang 10 tao sa harap ng kanilang gate. Ibinaba raw sila ng mga hindi kilalang tao. Napag-alaman na sila ang 10 Indonesians na tauhan ng tugboat na dinakip ng mga hinihinalang Abu Sayyaf noong Marso 28. Pinapasok sila sa tahanan ng gobernador at pinakain. Tinawagan din kaagad ang pulis at militar, para agad ma­proseso ang mga pinakawalang bihag para madala sa Zamboanga bago tuluyang isuko sa mga otoridad ng Indonesia. Kaya ang tanong, bakit sila pinalaya na lang ng ganyan? Nagbayad ba ng pantubos kaya pinakawalan at hindi sinaktan, o tulad ng sinapit ni John Ridsdel ay pinugutan ng ulo?

Sa ngayon, walang makapagsabi kung may milyones na nagpalitan ng kamay para sa kalayaan ng 10 Indonesians. Bakit nga naman pakakawalan nang walang dahilan? Baka malaman na lang natin kapag ligtas na sila at nakabalik na sa kanilang bansa. Walang argumento na mabuti at ligtas sila. Pero kailangan malaman kung tinubos nga sila. Sa aking pagkakaalam, hindi patakaran ng bansa ang makipag-areglo sa mga terorista, lalo na sa pagbayad ng pantubos. Hindi lang natin alam kung may nagbayad na lang ng pantubos, dahil sa ginawang pagpugot sa ulo ni Ridsdel kailan lang. Base na rin sa mga komentaryo ng mga mamamayan, hindi naniniwala na kung binayaran nga ang Abu Sayyaf, hindi lang daw sila ang kumita.

Marami pang bihag ang Abu Sayyaf. May apat na taga-Malaysia, isa pang taga-Canada, isang Norwegian, isang Pilipina na sabay dinukot kasama ni Ridsdel at iba’t iba pang mga nabihag magmula pa noong 2010. Kung may nagbayad nga ng pantubos, sa tingin ko mas nalalagay sa peligro ang mga natitirang bihag ng Abu Sayyaf. Mas iipitin nila ang pagbigay rin ng pantubos, kapalit ang kalayaan, o kung hindi man ay baka harapin din ang sinapit ni Ridsdel. Sa kabila ng kasalukuyang operasyon ng militar laban sa Abu Sayyaf, napakahalaga ng mga oras na lumilipas para sa mga bihag.

Sa dami-dami ng ating mga problema ngayon, sumasabay pa ang mga kriminal na Abu Sayyaf sa pagbigay ng kahirapan at pagdurusa sa ilang tao. Kung may mga resulta ang mga operasyon ay sana huwag nang itigil.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with