^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Magkusa na kung wala namang itinatago

Pilipino Star Ngayon

MAHALAGA sa mga tumatakbong presidente na maging transparent. Dapat ay walang itinatago. Mas maganda kung malinaw na nakikita ng sambayanan ang pagkatao ng isang tumatakbo sa mataas na tungkulin. Mas gusto ng mamamayan ang taong walang itinatago lalo pa kung ang isyu ay tungkol sa kayamanan.

Inakusahan ni Sen. Antonio Trillanes IV si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may milyong pisong deposito sa Bank of the Philippine Islands (BPI). Pero itinanggi naman ito ni Duterte. Wala raw siyang ganoon kalaking halaga sa banko.

Naghamon si Trillanes kay Duterte na mag­kita sila sa BPI Branch sa Pasig para buksan ang umano’y account ni Duterte. Nagkasundo sila na magkita noong Lunes. Pero hindi nakarating si Duterte sapagkat may appointment ito sa Davao City. Sa halip, ang kanyang abogado na lamang na si Atty. Salvador Panelo ang nakipagharap kay Trillanes. Sabi ni Panelo, hindi tinanggap ng banko ang Special Power of Attorney na nagbibi­gay pahintulot na mabuksan ang bank accounts ng mayor. Pitong araw umano ang ibinigay ng banko para ma-release ang detalye ng bank account ni Duterte. Sabi ni Trillanes, dapat mag-isyu ng waiver si Duterte sa bank secrecy ng kanyang deposits. Sabi pa ni Trillanes handa siyang magbitiw sa pagiging senador para lamang mapa­tunayan na totoo ang kanyang inaakusa.

Wala ngang nangyari sa inantabayanang paghaharap nina Duterte at nag-aakusang si Trillanes. Nagpatutsadahan lamang ang kani-kanilang supporters na sumugod sa BPI-Julia Vargas maka­raang walang pagbubukas ng account.

Hindi naman dapat umabot sa ganito ang lahat kung may pagkukusa na ang bawat tumatakbong presidente na ilantad ang lahat kung wala namang itinatago. Ipakita na walang katotohanan ang ina­akusa. Harapin at sa harap ng mga kalaban at supporters ay bulatlatin ang dapat bulatlatin. Ang mga taong ayaw magbulatlat ay maaaring may nililihim. Huwag nang hintayin pang paghinalaan. Maha­laga ang transparency sa mga nagnanais mamuno.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with