^

PSN Opinyon

Kalusugan ng madlang Pinoy, garantisado sa ‘Gobyernong may Puso’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

KUNG ikukumpara ang ibang kandidato na walang ginawa kundi ang magdadadakdak at mag-yabang kung paano nilang susugpuin ang kriminalidad at droga sa pinakamarahas na paraan na alam nila, solidung-solido naman ang plataporma ng Grace Poe-Chiz Escudero tandem pagdating sa isyu ng kakulangan ng kabuhayan at serbisyong panlipunan.

At napag-uusapan ang serbisyong panlipunan, labis tayong natutuwa sa isinusulong na pagpaparami sa mga health center at rural health unit para matiyak na malusog ang mga buntis at kanilang isisilang na sanggol.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may 10 nanay ang namamatay dahil sa kumplikasyon at impeksyong may kinalaman sa panganganak at pagbubuntis.

Ika nga, seryoso ito at hindi birong problema!

Sangkaterba pa rin ang mga nanganganak sa bahay na hindi man lamang natutulungan ng mahusay at lisensiyadong komadrona.

Sabi nga, 75% mga ermat ang nanganganak ang hindi natutulungan at dehins nakakapagpatingin sa mga doktor pagkapanganak.

Ika nga, kawawa naman!

Dahil ermat din alam ni Senator Grace kung ano ang pangangailangan ng kapwa niya bebot, lalo na pagdating sa usaping pangkalusugan ng ina at kanilang mga baby.

Kaya naman balak ng magka-tandem na Poe - Chiz na taasan ng alokasyon para sa tatlong pangunahing serbisyong panlipinan na kailangan-kailangan ng madlang pinoy para matiyak na mananatili silang malakas, malusog at matalino.

Sabi nila, 20% ng budget ay ilalagay para sa kalusugan, edukasyon at pabahay.

Tiyak na gugugulan ng ‘Gobyernong may Puso’ oras na manalo ang scholorship para sa mga gustong mag-medisina pero may mga kondisyon ito?

Gusto kasi nina Poe - Chiz na ‘One -Town- One-Doctor’ program, libre lahat ang tutition fees, baon at libro ng isang mahirap na estudiante kada isang bayan sa loob ng apat na taon pero dapat maglingkod din ang mga ito sa kanilang mga lugar bilang doktor sa mga pampublikong pasilidad.

Abangan.

Si Atty. Harry Roque at ang Kabayan party-list

KULANG para kay international law expert Atty. Harry Roque, ang mga paninindigan ng mga kandidato sa pagka-pangulo sa usapin ng West Philippine Sea.

Sabi nga, walang komprehensibo at pang matagalang solusyon na iniaalok ang mga kandidato.

Si Roque, ay well known lawyer para sa mga mahihirap at na aping madlang Pinoy lalo na pag may dayuhan na kasama sa kaso ng kanyang ipinagtatanggol.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Harry ay kinatawan ng Kabayan party-list, na ang layunin ay pursigihin ang mga karapatang pangkalusugan, pamamahay at pamumuhay ng mga mahihirap na madlang pinoy.

Ibinida ni Roque, na wala man lang naglahad sa mga tumatakbong pangulo kung ano ang gagawin sakaling tayo ay manalo o matalo sa international tribunal.

Tirada ni Roque,  kahit manalo pa ang Philippines my Philippines sa inihain nating arbitration case, hindi dito matatapos ang problema.

Sabi nga, magkakaroon ng ruling sa pinag-aagawang isla, may mga specific cases lang na ma-a-address ng arbitration tribunal.

Ibinida ni Roque, ang maaaring masolusyunan lamang ng international tribunal ay ang aspeto ng maritime dispute, pero hindi ang agawan sa mga isla.

“Arbitration is only on maritime, specific issues involving maritime territory under UNCLOS (UN Convention on the Law of the Sea). Pero ang pinag-aawayan ay isla. The problems will persist and I wanted to hear actual solutions from the candidates,” banat ni Roque.

Sabi ni Roque, nakababahala umano ang problema dahil tila hindi naglaan ng sapat na panahon ang mga kandidato para pag-aralan ang isyu gayong ito ang kaisa-isang maituturing na pinakamahalagang external threat sa Philippines my Philippines.

Si Atty. Leila de Lima at ang madlang public

TOTOONG, nag-aambisyong maging Senadora, si Leila de Lima kaya nga tumatakbo ito at sinusuyo ang madlang voters para manalo pero may mga kritikong nagta-tanong kung maayos ba niyang nagampanan ang kanyang hotraba noon sa DOJ ?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong 2013, pumutok ang isyu ng malakihang pyramid scam ng Aman Futures Group ni Manuel Amalilio, 15,000 madlang people ang naloko nito, at kumita ang raket nang P12 billion.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, 9 months bago nabulgar ang panloloko ni Amalilio, naibulong na diumano ito sa DOJ at NBI para masiyasat ang scam?

Tanong - Ano ang ginawa ni De Lima at mga tauhan niya?  Ano ang resulta?

Sagot - Wala,  as in wala ng natirang salaping pinaghirapan nang mga investors na nagoyo sa iskema ng Aman Futures.

Itinatanong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung masasabi bang may kasalanan si De Lima kung bakit nakatakas itong si Amalilio sa pananagutan? Ano sa tingin ninyo?

Abangan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with