^

PSN Opinyon

‘Tostadong manggas’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

KAMAY NA NALALAPNOS sa kakalinis at kakalaba, ito ang kalimitang dinaranas sa ibang bansa ngunit sa kwentong ito lapnos sanhi ng plantsa ang nagmarka sa kanyang balat.

“Mula braso hanggang bandang kamay kitang-kita ko sa litratong ipinadala niya sa ‘kin ang nangyari sa balat niya,” ayon kay Glenn.

Kasalukuyang nasa Riyadh, Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ang mapapangasawa ni Glenn Marudo na si Catrina Escultor. Una pa lang nagtaka na si Glenn dahil ang pagkakaalam niya ibang ahensya ang inapplayan ni Catrina.

Lumabas daw sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na ang ahensya ni Catrina ay ang Boom International Recruitment Agency.

Enero 9, 2016 nang umalis ng bansa si Catrina ang may pinirmahan daw itong papel na nagsasabing ang magiging trabaho niya ay Household Service Worker (HSW).

“Nung sumunod pinapirma siya bilang laundry worker. Pagdating sa Riyadh napunta siya sa Aldana Salon,” pahayag ni Glenn.

Ang naging employer nito ay si Abu Fahad Tukey Al Mutairi. Pinagmamanicure, pedicure at masahe si Catrina dun.

Kapag nagkakamali raw sa trabaho si Catrina ay pinapagalitan siya nito. Giit ni Glenn hindi naman yun ang trabahong kanyang pinirmahan at wala itong alam sa gawain sa Salon.

Labing apat na libong piso lang din ang ibinayad na sahod nito at ilang buwan ang hindi nito ibinigay kay Catrina.

Sinuntok sa ulo, pinaso ng plantsa sa braso at hiniwa-hiwa ng kutsilyo sa kamay. Ito umano ang pangmamaltratong ginawa ng amo ni Catrina sa kanya.

“Dapat uuwi na siya nun pero sabi ng employer niya maghintay daw muna ng dalawang linggo at hintayin ang kanyang kapalit,” pahayag ni Glenn.

Tinanong pa raw ito kung gusto niyang mag-asawa ng Arabo sa maikling panahon pero tumanggi si Catrina. Makalipas ang ilang araw sapilitang kinuha ang cellphone nito pati ang password. Nagmatigas si Catrina.

“Inakala niya yatang kinukuhanan siya ng picture ni Catrina dahil may mali siyang ginagawa. Wala katotohanan yun,” sabi ni Glenn.

Sa takot na maulit ang pananakit na ito tumakas si Catrina sa pinagtatrabahuan.

Ayon kay Glenn napunta sa Unaizah Police Station si Catrina at isang linggo nang nananatili dun bago niya kami kinontak.

“Nakakabahala baka kung anong mangyari sa kanya dun. Hindi naman natin alam kung ano ang takbo ng utak ng mga Arabo,” ayon kay Glenn.

Ini-report na rin daw nila sa ahensya ang nangyari kay Catrina ngunit mabagal umano ang aksyon ng mga ito. Hindi raw nila ito pwedeng madaliin dahil nakikiusap lang sila. Wala rin daw dahilan para mabahala si Glenn dahil nasa istasyon naman ito ng pulis.

Unang beses umalis ng bansa ni Catrina. Ilang araw ang nakalipas pinatawagan ni Glenn si Catrina sa isang kaibigan.

“Meron kasi siyang nagagamit na cellphone dun. Nakikisuyo lang siya, hindi yun Pinoy. Hindi niya gaanong masabi pero ang naintindihan lang namin ay wala na sa istasyon ng pulis si Catrina,” salaysay ni Glenn.

Nakausap din daw ni Glenn ang may-ari ng ahensya ngunit hindi nito kilala si Catrina at di niya rin ito nakausap ng personal.

Nitong nakaraan lang nakumpirma nilang ang amo raw nito ang muling kumuha kay Catrina.

“Binaliktad na nila ang kwento. Sinisingil kami ng 30k Riyals para mapauwi si Catrina. Hindi namin alam kung saan kami kukuha ng ganun kalaking pera,” sabi ni Glenn.

Si Catrina na ang nasaktan at dumanas ng pangmamaltrato bakit kailangan pang sila ang magbayad.

Tanong niya rin, seryoso ang naging problema ng kanyang mapapangasawa sa ibang bansa bakit ganun kabagal ang aksyon ng ahensya.

Sinaktan na ito, pinaso ng plantsa at nalapnos ang balat sa braso. Kailangan pa bang hintaying may mangyaring masama kay Catrina bago sila kumilos?

“Humihingi kami ng tulong para mailigtas si Catrina. Hindi namin alam kung anong pwedeng gawin para maialis na siya dun sa amo niya. Baka saktan lang siya ulit dun,” ayon kay Glenn.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sari-saring kwento ang naitampok na namin at ang nangyari kay Catrina ay isa lamang pang-aabuso  na ginagawa ng mga employer sa ibang bansa sa ating mga kababayan. Alam naman natin bakit nais nilang magtrabaho dun subalit hindi kasali sa usapan na ikaw ay tratuhin na parang hayop.

Nabayaran mo nga ang kontrata subalit ito’y para lamang sa pagtatrabaho, walang nakasulat dun na pwedeng tratuhin mo sila na parang hayop.

Sa milyun-milyong Pilipino na nakikipagsapalaran sa ibang bansa hindi mo maiiwasan na may makakatapat kang employer tulad nitong Abu Fahad Tukey Al Mutairi. Kung kami lang ang masusunod dapat siya ang papuntahin dito at plantsahin ang bawat gusot sa kanyang mukha. Kapag ginawa natin yan ibinaba na din natin ang ating sarili sa klaseng ugali na meron siya.

Masakit niyan dahil hindi niya na nakaya ang pagmamalupit sa kanya humingi siya ng tulong sa pulis anong ginawa ng mga yun ibinalik siya sa kanyang employer at papayagan lamang siya umuwi kapag siya ang magbabayad ng kanyang tiket.

Tatawagan namin ng pansin ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) kay Administrator Hans Cacdac para ipatawag ang ahensya ni Catrina.

Ang malaking maitutulong din ay ang ahensya tulad ng Department of Foreign Affairs (DFA), Philippine Overseas Labor Office (POLO) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para kalampagin itong sadistang employer na ‘to. Dapat ang Boom Internatioanal ay pagpaliwanagin ng POEA kung bakit ganun ang kanilang kliyente at siguruhin nila na wala ng Filipina o Filipino Worker ang mailalagay sa pamilya tulad ng mga kupal na Mutairi na ito.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with