^

PSN Opinyon

Halalan at bawat isa nanganganib

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PAULIT-ULIT ang press statements ni Comelec spokesman James Jimenez tungkol sa hacking ng kanilang website nung Mar. 27. Kesyo raw huwag tayo mag-alala dahil ordi­naryong impormasyon lang ang sinubukang guluhin ng hackers. Kesyo raw hindi maaapektuhan ng naturang hacking­ ang darating na botohan sa Lunes, Mayo 9.

Kaduda-duda si Jimenez. Una, hindi basta ginulo ng hackers ang Comelec website. Kinopya nila ang laman nito at inilipat sa tatlong public websites. Mas malala pa, nakakuha pa sila ng confidential at sensitibong personal na impormasyon tungkol sa ating 55 milyong botante. Ito’y ulat ng mga information security experts sa mundo. Ibinunyag ang ating mga pangalan, tirahan, birth dates, sex, civil status, atbp. Mahigit 18.5 milyon sa atin ay nabunyag pa ang fingerprints, pirma, at retrato. At 1.3 milyong overseas absentee voters sa atin ay nakuhaan pa ng passport numbers, expiry dates at iba pang impormasyong naka-embed sa passport computer chip. Asahan natin na kinopya na ang mga impormasyong ito ng cybercriminals. Lahat tayo nanganganib mabiktima ng panggagantso, blackmail atbp krimen sa pamamagitan ng internet.

Pangalawa, kung madaling na-hack ang Comelec website, hindi malayong ma-hack din ang Automated Election System. Malaki ang tsansa na gawin ito ng hackers, dahil buwisit sila sa Comelec, at sa Smartmatic na supplier ng vote counting machines (VCMs). Tulad ng maraming mamamayan, computer experts, mambabatas, at mahistrado ng Korte Suprema, asiwa ang hackers sa katigasan ng ulo ng Comelec/Smartmatic. Kinailangan pa itong  puwersahin para sunurin ang batas at isakatuparan ang basic security features ng VCMs. Animo’y mas mataas pa sa ating lahat ang Comelec/Smartmatic.

* * *

 Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with