^

PSN Opinyon

Bulaklak sa libingan

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Magandang bulaklak ang nakikita ko

sa dinaraanang landas ng pagsuyo,

Sa mga bulaklak ang nais ng puso

sila ay pitasin at hagkan nang buo!

 

Ang mga bulaklak nang aking lapitan

mga rosas silang kapita-pitagan,

Kay gaganda nila’t kaypula ng kulay

Kaya naging lubos ang aking paggalang;

 

May mga buko pa na gustong bumukad

at hindi pa hinog sa aba ng palad

Kung pipitasin ko’y baka lang manlagas

kaya hihintayin sila’y mamumukadkad!

 

Saka napansin ko na sa bawat sanga

ay may mga tinik na duduro pala;

Kaya ang hangaring sila ay makuha

hindi itinuloy pinigil ko muna!

 

Kaya nang dumating sa isang panahon

na ang dating tangka’y ngayon na ituloy –

Ang sumpang bulaklak ay aking pinupol

kasama ang tinik na ipinalumpong!

 

Bulaklak at sanga ay aking tinuhog

dadalhin sa libing ng tangi kong irog;

Kahit nalagas na ang mga talulot

kay ganda ng rosas sa ulilang puntod!

 

Sa puntod ng aking mahal na bulaklak

ay bumukad na rin mga bukang rosas;

Ang mga bulaklak na lantang nalaglag

ay mga luha kong nag-iwan ng bakas!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with