^

PSN Opinyon

Ang ‘Gobiernong may Puso,’ may programa para sa OFW

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

IPINAGMALAKI ni Senator Chiz Escudero, sa lahat ng tumatakbo sa eleksyon ay sila lamang ni Senator Grace Poe ang may pinakadetalyadong programa para sa madlang OFW.

Ibinida ni Chiz, panahon na para tutukan ang kapakanan ng mga OFW sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang departamento na ang tanging tungkulin ay tugunan ang lahat ng kanilang pangangailangan.

“Layunin po namin na magtayo ng ahensya para sa mga OFW lamang para matutukan ang kanilang pangangailangan. ‘Bayani’ ang tawag natin sa mga OFW pero hindi naman bayani ang pagtrato natin sa kanila,” tirada ni Chiz.

Ayon kay Chiz, gusto nilang patunayan sa gawa ang kanilang pag-asikaso at pagmamalasakit sa mga OFW. Aasikasuhin nito lahat ng pag-pila at pag-proseso ng papeles ng sinumang madlang pinoy na gustong lumayas este mali umalis pala ng Philippines my Philippines para mas mapadali.

Sa ilalim ng “Gobyernong may Puso” na isinusulong ng tambalang Poe at Escudero, pagtutuunan ng pansin ang kaso ng madlang pinoy na tinatawag na “tago nang tago” o TNT para matulungang maging ligal ang kanilang pananatili sa abroad.

Plano rin nina Poe at Escudero na maglaan ng kabuuang P100-billion para pondohan ang pension fund para sa mga OFW, magamit nila ang kanilang PhilHealth card sa ibayong-dagat at blood money para sa madlang pinoy na nasa death row.

Gagamitin din ang nasabing pondo sa gastusin ng mga OFW na gusto nang bumalik sa Philippines my Philippines at legal fund para sa mga nahaharap sa anumang kaso sa ibang lugar.

Abangan.

Si Leila de Lima at ang batas

NAGTATANONG ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung may nagawa ba talaga si Leila de Lima sa madlang public noong siya pa ang DOJ Secretary kaya naman gustung-gusto nitong maging Senador sa Philippnes my Philippines?

Ibinulong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na parang nag-aabo-gago este mali abogado pala si Leila kay Janet Lim Napoles ng akusahan at sumabit ang huli sa PDAF scam kaya naman matagal-tagal din nakaladkad ang name ng una sa scandal noong nagsagawa ng senate hearing.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, noong si de Lima pa ang DOJ Secretary ay hinahanap na ang utol ni Janet na isinama rin sa kasong illegal detention na isinumpa este mali isinampa pala ni Benhur Luy pero hindi man lang ito lumutang at nahuli ng mga autoridad kahit uminit ang isyung ito at naging talk of the town.

Bakit kaya?

Totoo bang may ‘selective justice’?

Nagtataka ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kung talagang may ‘piring’ sa mata ang hustisiya, walang sinasanto o sini-sino at hindi namimili ng malakas, mayaman o mahirap.

Sabi nga, lahat ay pantay-pantay sa batas!

Abangan.

Kultura ng siraan sa halalan (1)

Nakakapanggigil. Hindi mo na malaman kung sino ang talagang malinis at madumi sa ating mga kandidato.

Wala nang ginawa ang lahat ng kampo kundi magbatuhan ng putik laban sa mga katunggali.

Sabi nga, national man o local na kampanyahan.

Sa mga  presidential debate na lang,  yun mismong mga kandidato kung magkaroon ng pagkakataon hataw sa banat sa kanilang mga kalaban.  Ang nakakabuwisit, minsan magtutulungan pa sila para kuyugin  ang isang katunggali kung may pagkakataon.

Kitang-kita tuloy kung paano pagtulungan si Senator Mar Roxas  tuwing kaniyang ipinagtatanggol si P. Noy at ang ‘Daang Matuwid’ nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with