^

PSN Opinyon

‘King makers’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

KRITIKAL ang natitirang 10 araw bago ang eleksyon.

Kritikal pareho sa mga presidentiables at vice presidentiables lalo na ang mga kulelat sa survey ganundin sa mga financiers.

Papaano nga ba naman kasi makakahirit ng dagdag na bilyones na pondo ang isang pulitiko kung mababa ang kanyang numero.   

Naturalmente, ang mga ‘king maker’ segurista rin. Hindi basta basta susugal at magpapakawala ng mil­yones. Dedepende sila sa malinis na survey para makatiyak sa kanilang sinusuportahan.  

Ito ‘yung mga malalaking financier na balimbing. Lalo na kung alam nilang ang kanilang minamanok milya-milya na ang layo sa number 1.

Kaya nga ang mga gustong manilbihan sa ating mga “boss”, may kanya-kanyang diskarte. Doble kayod sa pangangampanya sa nasyunal at sa lokal. Kahit alam na nilang wala nang hatak, sumusuntok pa rin sa buwan baka makatsamba at makahabol pa sa survey.      

Tulad ng sinasabi ko sa aking programang BITAG Live, ang survey ay isang direksyon tungo sa destinasyon.    

Magkaiba ang survey at boto. Hindi ibig sabihin na kapag mataas ang ratings­ ng isang pulitiko, kampanteng siya na ang siguradong mananalo.      

Ang survey ay numero lamang.  Nagbabago. Persepsyon at pananaw ng tao sa espisipikong panahon. Diskarte na ng partido kung papaano gamitin ang survey para mapataas ang numero ng kanilang kandidato.  

Ibang usapan na lang kapag ang integridad ng survey ang pag-uusapan.  

Kapani-paniwala ba? Ewan. Reputableng survey firm ba ang nagsagawa? Hindi natin alam. Ano ang ginamit na metodolohiya at papaano kinuha ang pananaw ng mga sample voters.   

Ang problema sa mga survey firm sa Pilipinas, hindi transparent. Hindi matiyak kung ang kinuha ay totoong pulso ng tao o pulso at pera ng negosyanteng nangumisyon nito.   

Totoo man o lokohan at gaguhan ang mga lumalabas na survey, dapat magbantay ang taumbayan.  Dahil hangga’t hindi natatapos ang bilangan, ‘di pa tapos ang laban.  

Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa iba pang episode mag-log on sa BITAG YouTube Official channel sa youtube.com/user/bitagvideos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with