^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Mga bus na walang preno, walisin na!

Pilipino Star Ngayon

IISA ang dahilan ng mga drayber kapag naaksidente ang kanilang minamanehong bus: Nawalan daw ng preno. Hindi na raw nila nakontrol kaya bumangga o nahulog. Sa dami ng mga aksidente sa bus, iisa ang sinasabing dahilan: Nasira ang preno. Marami nang pangyayari na nawalan ng preno ang bus at nagpapaulit-ulit lang ang pangyayari. Sa kabila na marami nang nabangga at nahulog sa bangin, patuloy pa ring yumayaot ang mga dispalinghadong bus at inilalagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero.

Isang linggo na ang nakararaan, dalawang malagim na aksidente sa bus ang nangyari at ikinamatay ng walong pasahero at ikinasugat ng mahigit 50. Naganap ang aksidente sa Quezon City at Batangas.

Naghihintay ng masasakyan ang mga tao sa kanto ng Mindanao Extension at Commonwealth Avenue sa Novaliches, Quezon City dakong 7:00 ng umaga nang isang humahagibis na A. Prado Transit ang nakabanggaan ang isang UV Express Nissan Urvan habang kumakaliwa sa nasabing intersection. Sa lakas at bilis ng pagbangga ng bus sa Urvan, tumilapon ito at nahagip ang mga naghihintay na pasahero kabilang ang isang empleadang buntis at isa pang lalaking nakatayo sa kanto. Dinala sa ospital ang dalawa pero namatay din ang mga ito. Ayon sa drayber ng Prado, nawalan ng preno ang minamanehong bus.

Anim na guro naman ang namatay nang bumangga­ ang sinasakyan nilang Gurim Travel and Tours sa isang puno at bumaliktad sa Mataasnakahoy, Batangas, dakong 8:00 ng umaga. Patungo sa seminar ang mga guro nang mangyari ang aksidente. Sabi ng drayber, nawalan ng preno ang bus.

Paulit-ulit na ang pangyayaring ito pero marami pa ring bus na walang preno ang nasa kalsada at nilalagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero.

Malinaw na hindi na nagsasagawa ng periodic checkup ang mga kompanya ng bus sa kanilang mga pampasaherong sasakyan? Takbo na lang nang takbo. Hindi na inaalam kung meron pang preno. Dapat nang gumawa ng drastic action ang LTFRB sa mga bus na ibinibiyahe kahit walang preno­. Hindi na dapat nirerehistro pa ang mga ito. Kailangan pa bang may mamatay muna bago ipag-utos na ipatigil na ang operasyon ng bus? Kawawa ang mga pasahero na tanging nabibiktima ng mga bus na kakarag-karag at walang preno. Alisin na, mga basurang bus sa kalsada.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with