^

PSN Opinyon

Krisis sa PNoy administration

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

NAAAWA rin ako sa administrasyon ni Presidente Aquino. Ilang buwan na lang at magtatapos na ito ay hindi tinatantanan ng krisis.

Ang pamumugot sa ulo ng bihag na Canadian ng Abu Sayyaf ang isa sa mga matitinding krisis na ito. Tiniyak ng Pangulo na hindi tatantanan ng gobyerno ang pagtugis at pagdurog sa Abu Sayyaf Group (ASG) matapos pugutan ng grupong bandido ang Canadian national na si John Ridsdel. Sinabi pa niya na panahon na upang durugin ang grupong teroristang ito.

Sa ganitong mga situwasyon, kahit wala namang kasalanan ng administrasyon ay nakakaapekto ito sa kandidato ng administrasyon. Iisipin kasi ng taumbayan na kung iboboto ang kandidato ng administrasyon, maipagpapatuloy lamang ang kawing-kawing na krisis na nangyayari sa bansa.

Tama naman ang pagpapahayag ng galit ni PNoy sa nangyaring  pamumugot ng Abu Sayyaf. Pero kung ito ay magkakaroon ng timbang sa taumbayan ay isang  malaking katanungan. Desperado na ang bayan hindi lamang sa nangyaring ito kundi sa iba pang krimen kasama na ang paglaganap ng bawal na gamot na sumisira sa kinabukasan ng kabataan.

Kung noong araw pa ay nagkaroon na ng determinasyon ang gobyerno na supilin  ang ganyang mga krimen, nabuo sana ang tiwala ng mamamayan sa mga tagapagpatupad ng  batas. Kaso, hindi. Para sa mamamayan, hindi lang kawalan ng tiwala sa mga pulis kundi ang suspisyon na ang mga pulis mismo ang kasabwat ng mga kriminal.

Kaya nang may sumulpot na kandidato sa pagka-Pangulo na nagpakita ng pangil na handa niyang sugpuin ang kriminalidad sa ano mang paraan, agad siyang niyakap ng tao kahit pang dila ay namumulaklak sa kalaswaan.

Pero umaasa pa rin ako na bago maghalalan ay magiisip-isip ang mamamayan upang iboto pa rin yung mga kandidatong  susupilin ang kasamaan at katiwalian sa pamamagitan ng maayos na pagpapatupad ng batas at hindi sa paraang extra-judicial na isa ring paglabag sa batas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with