^

PSN Opinyon

Roxas maari ma-DQ dahil sa eroplano

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

ANG isda nahuhuli sa bunganga. Nagkabulol-bulol si Mar Roxas nang iulat ko nu’ng Lunes na walo ang pangampanyang aircraft niya. Pahiram ito nina bankrollers Eric Gutierrez at Rep. Edgar Erice. Magkasosyo ang dalawa sa SR Metals Inc. (SRMI) at subsidiaries na San R Mining & Construction Corp. at Galeo Equipment & Mining Co. Nagminina ng nickel ang tatlong kumpanya sa Tubay, Agusan del Norte.

Nangatol lalo si Roxas nang akusahan ng katiwalian ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Pinagtatakpan umano ni Roxas ang pagsira sa kalikasan ng tatlong kumpanya nina Gutierrez at Erice, kapalit ang paghiram ng walong eroplano. Nagpapanggap na “small-scale” ang tatlo, kaya limitado sa pag-extract ng 50,000 tonelada ng nickel ore kada taon. Pero nu’ng Ago. 2006-Set. 2007 nagmina ito ng 1.9 milyong ore, halagang P28 bilyon, kaya ipinasara ng DENR. Ganunpaman takot ipa­tupad ng mga kasalukuyang Agusan at DENR officials ang closure, dahil malapit sina Gutierrez at Erice sa Malacañang. Sila rin ang nagpahiram ng noo’y iisa pa lang nilang eroplano kay kandidatong Noynoy Aquino nu’ng 2010.

Ang naging sagot ni Roxas dito ay inuupahan umano niya ang walong aircraft mula sa SRMI. Handa umano siya ipakita ang mga kontrata at resibo. Hindi tulad ng ibang kandidatong Pangulo na nanghihiram lang, siya umano ay nagbabayad.

Pero walang ipinakitang dokumento si Roxas. Kasi hindi totoo ang lease mula sa SRMI. Bawal ito mag-lease ng aircraft, dahil wala itong pahintulot ng Civil Aeronautics Board at Civil Aviation Authority. Minahan kasi ito, at hindi aircraft chartering company.

Kaya kung walang lease, pahiram lang ang aircraft. At pag­labag ito sa Omnibus Election Code. Bawal tumanggap ang kandidato at mag-contribute sa kampanya ang isang fran­chisee ng gobyerno, tulad ng minahan. Maaring ma-disqualify si Roxas sa pagkandidato bilang Pangulo. Ito ay kung maghihigpit ang Comelec sa pagpapatupad ng batas.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with