^

PSN Opinyon

Huwag lamangan ang mahihirap

- Al G. Pedroche - Pilipino Star Ngayon

PARA sa akin, ang panggugulang sa mga mahihirap na­ting kababayan ay isang buktot na krimen. Lalung nakakaasar isipin na kung sino pa ang hikahos sa buhay ay siya pang nilalamangan ng mayayaman. Masyado na yatang talamak talaga sa gobyerno ang katiwalian.

Halimbawa, ang libreng cremation ng mga namatay na mararalita ay isa sa mga dapat ibigay na serbisyo ng Manila North Cemetery sa ilalim ng batas. Pero hindi dahil sa kasakiman ng ilang nasa mataas na puwesto.

Taong 2008 pa nang naitayo ang smoke free dieasel-run crematorium  sa North Cemetery. Ito ay proyekto ni Manila Rep. Atong Asilo na pinondohan ng kanyang opisina bilang Representante ng Maynila. Dapat libre ito.

Natural na kay Asilo magreklamo ang mga ginugulangang mahirap dahil siya ang awtor ng batas. Ayon sa mga mahihirap, siningil sila mula P5 hanggang P10 libong piso para sa cremation service ng kanilang mga yumao.Ano ba iyan? Wala na ba silang konsensyang gipitin ang mga gipit at naghihikahos na?

Grabe. Para sa mahirap, ang mga halagang iyan ay kayamanan na hindi man kalakihan ay puwedeng ipuhunan sa negosyo. Kaya nananawagan si Asilo sa mga awtoridad na tukuyin ang utak sa illegal na panini­ngil na ito para matuldukan na ang katiwalian.

Ayon kay Asilo na kumakandidato ngayon sa pagka-bise alkalde ng Maynila, patong-patong na ang mga tinatanggap niyang reklamo hinggil sa panggugulang na ito.

Si Asilo ang vice chairman ng House Committee on Housing. Kung minsan, gaano man kaganda ang intension ng isang opisyal ng gobyerno, madalas, may mga ganid na sumisira sa espiritu ng intensyong ito. Tama ang Kongresista. Hindi lamang dapat tukuyin ang direktang may kinalaman sa panlalamang na ito kundi dapat pang lapatan ng karampatang parusa.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with