^

PSN Opinyon

8 jets ng kaibigan pagamit kay Roxas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MABABA man si Mar Roxas sa presidential surveys, mataas ang lipad niya sa eroplanong pangkampanya. Isang Citation Mustang, halagang $2.5 milyon; isang Citation­ CJ4, $9 milyon; Cessna Sovereign, $19 milyon; apat na Cessna Caravans, $2.5 milyon bawat isa; at Bell 429 helicopter, $6.5 milyon. Ang walong aircraft ang pinagbubulungan sa maliit na general aviation industry na pag-aari ni bilyonaryong Francis Eric Gutierrez. Dati nang financier si Gutierrez ni Roxas, na standard bearer ng naghaharing Liberal Party. Malapit din si Gutierrez kay Noynoy Aquino, na noong 2010 presidential campaign ay pinahiram niya ng iisa pa lang niyang eroplanong Citation Mustang.

Sa kabuuang $47 milyon, ang halaga ng walong aircraft ay tumataginting na P2.3 bilyon.

Ang lantad na negosyo ni Gutierrez ay pagsosyo sa SR Mining Inc. (SRMI) at subsidiaries nitong San R Mining Corp. at Galeo Mining Equipment Corp. Kasama rin sa tatlong minahan ng nickel sa Tubay, Agusan del Norte si Cong. Edgardo Erice, LP officer at masugid ding tagapondo ni Roxas.

Kontrobersiyal ang SRMI at dalawang subsidiaries. Nabistong  nagpapanggap ito na small-scale; ibig sa­bihin ay pala, piko, at wheelbarrow lang ang kagamitan, at limitado sa pagkuha ng 50,000 tonelada ng nickel ore kada taon. ‘Yun pala, large-scale na gumagamit ng heavy equipment at barges. Nu’ng 2006-2007 mahigit 1.8 milyong tonelada, halagang P28 bilyon, ang ipina­dala ng tatlo na ore sa China, batay sa records ng Mines and Geosciences Bureau at ng Philippine Ports Authority.

Nu’ng 2007, nang SRMI chairman si Erice, ipinasara sila ng DENR dahil sa over-extracting. Umabot sa Court of Appeals at Korte Suprema ang kaso, at nanalo ang DENR. Pero hindi maipatupad ang pagsasara dahil sa lakas ng SRMI sa Malacañang. Mataas talaga ang lipad!

 

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with