^

PSN Opinyon

Bagong Presidente

PILANTIK - Dadong Matinik - Pilipino Star Ngayon

Sino kaya ang ating magiging Pangulo

Pagkatapos ng halalan sa Mayo?

Dapat ba ay babae o lalaking matalino –

Na ang tanging hangad bansa’y umasenso!

 

Dapat ding hangarin ng bagong Presidente

Mga mamamayan may bagong hangarin;

Magdasal sa Diyos kanilang mithiin

Ang lahat ng Pinoy ay magpaumanhin!

 

Sa ugaling ito itong ating bansa

Magiging masaya saka masagana;

Wala nang batugan wala ring masama

At di-magnanais na makapinsala!

Mga pulitiko’t mayayamang tao

Magiging maingat sa lahat ng dako;

Dahil mapera na malamig ang ulo

At ang mga api damayan nito!

 

Dahil sa marunong bagong Presidente

Mabubuting lider kanyang Gabinete;

Kung ito’y masamang ugali

Agad didismisin walang pasubali!

 

Kanyang ilalagay sa magandang pwesto

Huwarang maglider sa maraming tao;

Pero kung makitang abusado

Sisipain agad kahit kaanak ito!

 

Siya ang ‘Boss’ natin sa lahat ng oras

Na dapat masunod lalo na’t marapat;

Kung tayo ay mali kanyang itutumpok

Pasalamat tayo’t siya ay matapat!

 

Sana’y hindi siya katulad ng dati

Pinababayaan ang tauhang mali;

Inakala nilang sa bawat sandali

Sasama ang bayan sa gobyernong bali!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with