^

PSN Opinyon

Paano chumika ang Pinoy?

Danton Remoto - Pilipino Star Ngayon

PAG nasa international airport ka abroad, subukan mong sumutsot, Psssst! At ang titingin sa iyo ay Pinoy! Pag nasa probinsya ka at magtanong ng address, sasabihin sa’yo, malapit lang yan. Yun pala, ika-pitong bundok pa ang aakyatin mo.

Pag ginagamit mo ang kuwan at ano, aba himala! Naiintindihan ka ng kapwa Pinoy. Alam mo ba na inano ni ano si ano? Oh my God, talaga!

Nagkakaintindihan po sila. Dahil ayaw nating humindi pag may imbitasyon, ang sasabihin natin ay “Susubukan ko” o “Siguro’y makakapunta ako.”

Kapag nalimutan mo ang pangalan ng tao, ang sa-sabihin mo ay “Si ano.”

Gini-greet mo ang taong matagal mo nang hindi nakita nang “Oy, long time no see ha” O kaya nama’y “Uy, ang payat mo na ngayon ah,” pag sumisipsip ka. Pag imbyerna ka naman sinasabi ito, “Ay, ang taba mo naman ngayon!”

Pag nag-ring ang telepono, imbes na sabihin mong “Please hold your line,” isesay mo, “For awhile poh.” Pag nasa byahe ka naman, imbes na “carry on luggage” ay tinatawag mong “hand carry” ang iche-check in mo. Hand-carry nga, ang bigat-bigat naman!

Hindi mo tina turn off o turn on ang lights. Ito ay iyong ino-open at kino-close! Imbes na “to go” ang food na iuuwi mo, tinatawag mo itong “take home.” Ang suot mo’y “rubber shoes” at hindi “sneakers.” Ang panulat mo’y “ballpen” imbes na “ballpoint pen.”

Colgate ang toothpaste mo, Xerox ang photocopier, at Kleenex ang tissue paper. Pakialam ba nila. Basta nagkakaintindihan ang Pinoy, okay na yan.

Perfect understanding po tayo. Ang ibig sabihin naman ng isang komunidad ay mga taong nagkakaintindihan. Igalaw ang kilay ng mga nag-agree.

Umeere ang “Remoto Control” sa Radyo 5 mula Lunes-Biyernes, 9-11 PM, sa 92.3 News FM. May live telecast ito sa Aksyon TV Channel 41 tuwing Lunes at Huwebes. Maaaring magpadala ng komento sa [email protected]

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with