^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Di-sana ningas-kugon sa pagbaklas sa illegal posters

Pilipino Star Ngayon

APAT na araw nang nagbabaklas ng illegal pos-ters ng mga kandidato ang Metro Manila Development Authority (MMDA). Totoo ang kanilang sinabi na babaklasin nila lahat ang campaign materials ng kandidato na illegal na nakakabit sa lugar na hindi pinahihintulutan ng Commission on Elections (Comelec). Sa apat na araw na pagbaklas sa mga illegal posters ang MMDA at nakakolekta na sila ng 1.8 tonelada ng mga ito. Mga tarpaulin ang karamihan ng kanilang binaklas sa Maynila, Quezon City at Mandaluyong.

Sabi ni MMDA Metro Parkway Clearing Group head Francis Martinez, hindi sila titigil sa pagbaklas sa mga illegal campaign materials na ikinabit sa poste ng kuryente at sa mga linya ng kuryente,telepono, cable, at maging sa mga sanga at katawan ng punongkahoy. Wala raw silang sa-santuhin sa mga illegal poster na nasa maling lugar. Mayroon na umanong ibinigay na designated areas ang Comelec para sa mga campaign materials kaya ang hindi sumunod dito ay babaklasin nila.

Sa ginawang pagbabaklas noong Martes at Miyerkules, maski ang tarpaulin ni dating MMDA chairman Francis Tolentino ay hindi nila pinatawad. Sabi ni Martinez, lahat daw nang mga tarpaulin na nakolekta ay gagawin nilang tents para magamit sa disaster operations.

Sana ay hindi ningas-kugon ang ginagawa ng MMDA na pagbaklas sa illegal posters. Maganda ang ginagawa nilang ito at dapat araw-arawin nila ang pagbabaklas. Tiyak na ikakabit muli ng mga kandidato ang kanilang posters sa sandaling makalingat o makaalis ang MMDA baklas team.

Delikado ang ginagawang paglalagay ng mga tarpaulin na nakasabit sa cable o telephone lines sapagkat maaaring bumagsak. Karaniwang may pabigat na bato ang mga tarpaulin at maaaring bumagsak sa motorista o pedestrian. Mayroon ding nagkakabit sa mga traffic light kaya hindi makita ng motorista ang pagpapalit ng ilaw.

Maganda ang ginagawa ng MMDA na pagbabaklas sa illegal campaign materials. Bigyan ng leksiyon ang mga kandidatong hindi sumusunod sa batas. Kung ngayon pa lang na kandidato ay hindi na sila sumusunod sa batas, paano pa kung manalo na sila at naupo sa mataas na puwesto.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with