^

PSN Opinyon

Napakaraming paglabag

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

VIRAL ang video ng paggamit ng kuryente (taser) sa isang drayber at mga pasahero ng delivery van sa Ba­coor, Cavite. Base sa salaysay ng drayber at mga kasama, pinara sila ng traffic enforcer sa may SM-Molino­. Nang tanungin ng drayber kung ano ang violation, walang masabi ang enforcer at pilit kinukuha ang lisensiya at pinabababa silang lahat. Dahil walang violation na binanggit, hindi sila bumaba. Dito na nagkagulo. Pilit hina­hatak ang mga pasahero hanggang ginamitan sila ng kuryente. Nakunan ng video ang insidente kaya pilit kinukuha ang gadget na ginamit sa video. Sa kinata­pusan, hindi rin naman sila hinuli at pinaalis na lang.

Ano ito? Gusto lang ng okasyon na magamit ang pang­kuryente? Mga akala ay masisindak nila ang drayber at pasahero ng delivery van? Ano pala ang violation? Napakaraming paglabag na ginawa ng mga berdugong traffic enforcer na ito. Hindi dapat pinabababa ang drayber. Dapat sinasabi kung anong paglabag ang ginawa. At walang pahintulot na magdala, mas lalong gumamit ng taser ang mga traffic enforcer. Kailangan may permit mula sa PNP, at hindi lahat ay binibigyan niyan. Saan galing ang taser? Bigay ba ng lokal na pamahalaan? May pahintulot ba sila mula sa hepe? Kung wala, paglabag sa karapatang pantao ang kanilang ginawa.

Suspendido na daw ang mga traffic enforcer at iniim­bestigahan na ang insidente. Magsasampa rin daw ng kaso ang mga ginamitan ng taser. Dapat lang. Malinaw na hindi pwedeng bigyan ng ganitong klaseng otoridad at res­ponsibilidad ang mga traffic enforcer na ito. Baka naman mala­kas sa hepe nila kaya ganyan umasta? Hindi na rin ako nagtataka kung bakit delivery van ang pinara. Inisip na maliliit na tao lang ang sakay at kayang sindakin. Bakit hindi binigyan ng tiket kung may paglabag sa trapiko?

Dapat mas maingat ang mga lokal na pamahalaan sa pagbigay ng kapangyarihan sa mga tauhan nila. Malinaw na hindi sapat o baka walang training sa law enforcement ang mga ito. Ang ordinaryong motorista tulad ng mga biktima ang nalalagay sa alanganin. Paano kung mag-isa lang ang drayber? Baka nasa kulungan na ito kahit walang kasalanan. Pinag-tripan lang na gamitan ng taser? Dapat sila ang makuryente bilang parusa kung mapatunayang wala sa lugar at inabuso lang ang posisyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with