^

PSN Opinyon

Mayayabang na driver

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

NAHIMASMASAN si Land Transportation Office (LTO) chief Roberto Cabrera ng batikusin siya ng motorcycle riders dahil sa light-emitting diode (LED) at GIVI box isyu kaya nagbigay ng konsiderasyon. Ang katwiran ng mga rider mahalaga ang paggamit nila ng LED sa kanilang motorsiklo dahil ito ang nagbibigay sa kanila ng liwanag sa paglalakbay. Kaya kahit papaano ay pinagbigyan ito ni Cabrera subalit hindi sa Metro Manila na maliliwanag ang mga kalye. Malaking tulong din naman kasi ang LED sa mga sasakyan subalit kailangan ay nasa tamang paggamit. Katulad na lamang sa mga probinsiya na madidilim ang kalsada at foggy. Ngunit kung pinaboran ito ni Cabrera marami pa rin sa mga drayber ang tumutuligsa dahil ma­rami pa rin ang gumagamit nito para magyabang.

Marami ngayon ang drayber na super-yayabang dahil kahit two way lang ang kalye palaging bright ang kanilang head lights at fog lights na nakakasilaw sa kasalubong. Maging ang GIVI boxes ay inayunan na ni Cabrera huwag lalampas sa taas. Kaya maari nang gamitin ito ng riders kahit hindi iparehistro. Nagpalakpakan ang mga drayber dahil kahit papaano may puso si Cabrera. Su­balit hindi pa ligtas si Cabrera sa puna ng mga matatabil na dila dahil hanggang ngayon ay hindi pa naipamudmod ang car plates na binayaran ng P450 ng vehicle owners. Ang magandang balita naibalik na ni Cabrera sa ilang piling­ mall ang pag-isyu ng driver’s licence na tatagal lamang umano hanggang Marso.

Paano pagnaubos na ang 20,000 licence card na stock? Balik resibo na naman kaya ang sistema? Sa nga­yon pa naman na viral sa Facebook ang pangungotong ng MMDA traffic enforcers at maging local enforcers tiyak na mawawala na ang respeto ng mga motorista sa lahat ng nagpapatupad ng batas sa kalye. Kung sabagay may ilan pa rin  sa ngayon na traffic enforcers na lumilinya sa kotongan kung kaya nadadamay ang nagtatrabaho ng tapat. Kulang pa kasi ang kanilang suweldo sa kanilang luho sa buhay kaya sa mga motorista nila sinasagpang ang kakulangan. Ang mabuting gawin ni Cabrera ay burikiin niya ang pag-isyu ng traffic violation receipt sa enforcers pati na itong mga nasa local dahil kung babalewalain niya ito dadami pa ang mga buwaya sa kalsada. Para mapaniwala ang sambayanan na sinsero si Cabrera, ipaglaban niya sa Korte ang pagkabinbin ng car plates sa Bureau of Customs at driver’s licence dahil ito ang sisira sa mga manok ni P-Noy sa 2016 eleksyon. Ipakita ni Cabrera na karapat-dapat siya sa LTO.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with