^

PSN Opinyon

Libreng serbisyo ngayong Buwan ng mga Puso

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

ANG Pebrero ay Buwan din ng mga Puso. Ngunit ito ay hindi lamang dahil sa panahong ito ipinagdiriwang ang Valentine’s­ Day. 

Sa katunayan ang Pebrero ay idineklarang Philippine Heart Month noong panahon ni dating Pres. Ferdinand Marcos noong 1973 sa bisa ng Proclamation 1096. Layon ng deklarasyon na magkaroon ng kamulatan ang publiko sa kalusugan ng ating mga puso sa harap ng mataas na bilang ng mga seryosong kaso ng may mga problema sa puso. 

 Ayon sa datos ng Department of Health (DOH), ang sakit sa puso ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino, mula pa noong 1993. Tinata­yang 170,000 Pinoy ang namamatay kada taon dahil sa cardiovascular diseases, halos doble ng bilang na naitala kumpara noong nakalipas na 20 taon. 

Inaatasan din ng naturang proklamasyon ang iba’t bang ahensya ng pamahalaan, sa pangunguna ng DOH, at Phi­lippine Heart Association na isulong ang mas mahusay na pangangalaga sa puso, gayundin ang paghikayat ng mga pananaliksik at pagpapakalat ng wastong impormasyon tungkol sa kondisyon at karamdaman ng puso. 

Samantala, sa Maynila ay nakahanda na ang anim na pampublikong ospital at health centers upang magbigay ng libreng serbisyong medikal para sa mga maysakit sa puso at tulungan ang mamamayan nito na makaiwas sa sakit. 

Bilang pakikiisa sa paggunita ng Buwan ng mga Puso, inatasan ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada ang Manila Health Department na siguruhing handa ang mga pagamutan, doktor at medical professionals upang magkaloob ng libreng serbisyo at mga gamot. 

 Ilan sa kanilang handog ay ang blood pressure monitoring, complete blood count (CBC), tests para sa Fast Blood Sugar (FBS) at Total Cholesterol Level. Bibigyan din ng paggabay ang mga makikitaang may karamdaman sa puso sa pag-asikaso ng kanilang kondisyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with