^

PSN Opinyon

Admin pa ang nangunguna sa negative campaigning

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

PINAKA-MABABANG uri ng election gimmick ang nega­tive campaigning. Imbis na iangat ng kandidato ang sarili batay sa positibo o mabuting katangian, sinisiraan niya para hilahin pababa ang katunggali. Masama ang nagiging epekto nito. Nagkaka-personalan sila ng kalaban. Pati mga supporters nila ay nag-iinit, kaya hindi mapanatiling mahinahon ang kampanya sa grassroots. Nauuwi ito sa sakitan at patayan. Imbis na matuto at makapili nang tama, natatakot ang botante.

Dapat iwasan ito ng matitinong kandidato. Dapat pa nga, ang manguna sa ehemplo ng matinong kampanya at pag-iwas sa negatibo ay ang administrasyon. Ito’y dahil siya ang nakapuwesto, kaya dapat ay mas malawak ang kanyang pag-iisip.

Baliktad itong si Mar Roxas, kandidato ng naghaharing Liberal Party at personal na pinili ni President Noynoy Aquino na kahalili. Si Roxas mismo ang nangunguna sa negative campaigning. Imbis na magpaka-hinahon, pinaiinit ang kampanya. Ito kaya’y dahil nagmana siya sa ugali ni P-Noy, na walang tigil sa paninisi sa naunang Arroyo administration para iangat ang sarili na wala namang ginawang matino? Ito kaya’y dahil hawak ng administrasyon ang Sandatahang Lakas, ang National Police­, at iba pang armado at panakot na ahensiya, tulad­ ng DOJ, NBI, BIR, Customs, AMLC, Office of Transport Security, NAIA Police, Coast Guard, Bureau of Jail Ma­nagement and Penology, at Bureau of Corrections? Ito ba’y dahil nasa buntot si Roxas ng surveys, kaya binago ang estilo at ngayo’y umaastang butangero? Kasuklam-suklam.

Nakita na natin ang kinauwian ng negative campaigning ni Roxas. Bigla na lang niyang minaliit na kes­yo guniguni ang record ni Mayor Rodrigo Duterte sa pagpapatahimik sa Davao City. Nagalit ang huli, at nauwi ang insultuhan sa hamunan ng sampalan, suntukan, at barilan. Hindi nadala si Roxas. Ang broadcast ads niya ngayon ay naninira sa pagkatao at imahe nina VP Jojo Binay, Sen. Grace Poe, at Duterte.

vuukle comment
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with