^

PSN Opinyon

‘Gobyernong lip service’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

MAHALAGA ang paghahanda ng gobyerno sa nagbabantang krisis sa sektor ng overseas Filipino worker.

Lahat ng mga nag-aasam ng pwesto sa pagka-pa­ngulo, dapat seryosohin ang problemang ito. Pero sa limang tumatakbo, dalawa lang ang nagsasalita.  

Maging ang ibang mga bansang naka-depende sa produktong petrolyo at industriya ng langis, naghahanda na rin.  

Ngayon palang, may nakalatag na silang contin­gency plans at programa sa nakaambang na krisis.  

Sa Pilipinas, puro palang palabra. Lip service. Nagsasalita ang Department of Labor and Employment para lang hindi mapukulan ng mga kritiko at ng media.

Walang nakalatag na long term plan para sa sektor­. Bagkus ang tanging malinaw lang, sasagutin daw ng pamahalaan ang pamasahe ng mga posibleng maa­apektuhang isang milyong OFW.   

Walang maayos at konkretong koordinasyon sa mga pribadong sektor at business community. Sila sana ang makakatulong na sasalo sa mga OFW na mawawalan ng trabaho.

Magbibigay ng pansamantalang empleyo depende sa trabahong tutugma sa kanilang mga kakayahan at abilidad.

Bukod dito, dapat bigyan rin ng insentibo ang mga OFW na siguradong maghihigpit ng sinturon sa mga susunod na buwan.

Baka kasi nakakalimutan ng gobyerno na talaga na­mang ayaw nilang tanggapin, kontribusyon ng mga OFW ang dahilan kung bakit patuloy na lumulutang ang ekonomiya ng Pilipinas.

 Ito na ang panahon ng kawalang-katiyakan sa nasabing sektor. Unti-unti na ring nararamdaman ang pagbaba ng mga dolyares na remittances.

 Huwag na tayong umasa sa papatapos nang termino ng kasalukuyang administrasyon. 

Hamon ko sa mga presidentiable, sino sa inyo ang may “bayag” na i-representa ang konsern ng mga OFW?

 Tama na ang dada. Simulan na ang gawa!

 Abangan ang BITAG Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at AksyonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.  

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with