^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Madadagdagan ang jobless dahil sa pagmura ng langis

Pilipino Star Ngayon

SA survey ng Social Weather Stations (SWS) noong Disyembre 2015, tinatayang 9.1 milyong­ Pilipino ang walang trabaho. Mas mababa ito kaysa survey ng Setyembre 2015 na umabot sa 10 mil­yon ang walang trabaho. Pero pinangangamba­hang ma­dagdagan ang 9.1 milyong jobless kapag umarangkada na ang pagbabawas ng mga kompanya ng langis sa kanilang mga trabahador dahil sa pagbaba ng petroleum products. Patuloy ang pagsadsad ng presyo ng langis at walang nakaaalam kung ma­­ka­babawi. Mula pa Nobyembre 2015 ay nagsi­mula nang bumulusok ang presyo ng petroleum pro­ducts. Ang ikinababahala ng mga oil exporting countries, marami silang naiprodyus na langis bago pa ang pagbulusok ng presyo sa pandaigdigang pamilihan. Sobra-sobra ang supply ng langis at walang magawa­ ang mga bansa ngayong bumababa ang presyo.

Apektado ang mga Pilipinong nagtatrabaho sa Middle East lalo ang mga nasa oil companies sapagkat posibleng magbawas ng manggagawa. May mga OFW na umanong inabisuhan ng kompanya sa Saudi Arabia at Kuwait na magbabawas sila ng manggagawa. May mga OFW naman na nagsabing handa silang magpabawas ng suweldo huwag lamang alisin sa trabaho. Mas mahirap umano na mawalan sila ng trabaho sapagkat walang katiyakan kung mayroon silang makikitang trabaho sa bansa sakali’t umuwi. Matitiis pa umano nilang maliit ang suweldo kaysa walang trabaho. Magugutom umano ang kanilang pamilya at hindi makakapag-aral ang kanilang mga anak.

Sabi naman ng Department of Labor and Employment (DOLE), mayroon na silang nakahandang plano­ sakali’t mawalan ng trabaho ang OFWs. Mayroon na umano silang mga trabaho na maaaring pasukan ng OFWs subalit hindi nga lang maipapantay sa suweldong tinatanggap nila abroad. Tinatayang 10 milyon ang OFWs at karamihan ay nasa Middle East. Kung patuloy na babagsak ang langis, darami pa ang jobless. Sana nga, may plano ang pamahalaan ukol sa mga OFW na maaalis sa trabaho. Malaking problema ang kahaharapin kung darami pa ang tambay sa bansa. Patuloy na maghanap ng solusyon kung paano tutulungan ang mga OFW.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with