^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Panahon ng pangangako (huwag sanang mapako)

Pilipino Star Ngayon

NOONG Martes nagsimula ang kampanya para sa mga tatakbong presidente, bise presidente at mga representative para sa party-list. Kanya-kanyang lugar sila nang tinungo para ilatag ang kanilang plataporma sa nalalapit na election sa Mayo. At siyem­pre pa, nagsimula na rin ang kanilang panga­ngako sa mamamayan.

Magaganda at makabuluhan ang kanilang nilahad na mga gagawin sakali at sila ang makaupo sa Malacañang. Sa ganda ng kanilang mga pangako, particular sa gagawin sa kabuhayan ng bansa, maaari ngang umunlad ang bansang ito. Ang galing kasi ng kanilang plano para masiguro ang kinabukasan ng mamamayan at katatagan ng ekonomiya.

Wawakasan nila ang kahirapan nang maraming Pinoy. Kakain sa oras ang lahat nang mahihirap. Ang mga mababa ang suweldo ay hindi na kakaltasan ng buwis. Malilibre na ang mamamayan sa pagpapa­gamot at maraming estudyante ang hindi na gagastos sa kanilang pag-aaral dahil libre na ito.

Halos nakapokus din sila sa gagawing pagpapaunlad sa agrikultura ng bansa na talaga namang mag-aangat dito. Ang agriculture sector ay napag-iwanan sa panahon ni P-Noy kaya naman walang patid ang pang-angkat ng bigas. Walang nagawang pagpapaunlad sa irrigation system kaya naman maraming nakatiwangwang na lupain. Sa halip na mataniman ng palay at iba pang pananim na maka­tutulong sa pagpapalago ng ekonomiya, hinayaan lang na walang tanim.

Sa kanilang pamamahala, uunlad ang agrikultura at mabibigyan ng kaseguruhan ang mga magsasaka.

Lulupigin din ang mga kriminal at dudurugin ang drug traffickers sa bansang ito. Walang puwang ang mga criminal at masasamang loob. Ipapakain pa sila sa isda!

May nangangako na ipapasa ang FOI Bill para ganap na mabusisi ng taumbayan ang pinasok na transaksiyon ng gobyerno. Ito raw ang magiging kalasag nang mamamayan para hindi manaig ang mga corrupt sa pamahalaan.

Napakaganda ng kanilang pangako sa mama­mayan. Sana, hindi ito mapako kung sila na ang nasa Malacañang.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with