^

PSN Opinyon

Lindol sa Taiwan

K KA LANG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

ISANG malakas na lindol (6.4) ang tumama sa Taiwan noong Sabado ng madaling araw. Ito ang pinakamalakas na tumama sa bansa sa loob ng 17 taon. Karaniwan ang lindol sa Taiwan, pero mga mahihina lang. Sa siyudad ng Tainan na siyang nakaramdam ng malakas na pagyanig, isang 17 palapag na apartment building ang gumuho. Labing-apat ang kumpirmadong patay, 11 mula sa gumuhong gusali habang higit 100 ang hindi pa mahanap. Nasa 247 ang naligtas na mula sa gumuhong gusali. Ang pangamba ng mga opisyal ay baka mas marami pa ang nawawala dahil naganap ang lindol ilang araw na lang bago ang bagong taon. Malaki ang posibilidad na maraming bisita ang nasa gusali nang tumama ang lindol. Patuloy ang pagha­hanap sa mga nawawala.

Nagtataka ang mga opisyal ng Taiwan kung bakit tila madaling gumuho ang gusali. Napahiga ang gusali ilang segundo lamang nang tumama ang lindol. May imbestigasyon nang sinimulan kung masama ang paggawa ng gusali, kahit wala naman sa listahan ng mga peligrosong gusali.

Malapit ang Taiwan sa Pilipinas. Noong mga nakaraang buwan, naging usapin ang pagtama ng “The Big One” sa Metro Manila, partikular ang paggalaw ng West Valley Fault Line na marami ang nagsasabi ay hinog na para guma­law. Halos buong Metro Manila ang tinatahak ng fault line na ito. Kaya nagkaroon ng pagsasanay o “earthquake drill” ang ilang siyudad sa pamumuno ng mga lokal na pamahalaan at kaukulang ahensiya ng gobyerno.

Pero hindi talaga matitiyak ang pagiging lubos na handa para sa isang malakas na lindol. Ang kaguluhan na magaganap kung sakaling tumama nga ay hindi masusukat. Dito mahalaga ang pamumuno ng mga kinauukulang ahensiya. Mga bumbero, mga ambulansiya, mga ospital pati mga pulis at sundalo. Ang hindi gustong makita ng gobyerno ay pag-panic ng maraming tao, at kawalan ng batas o anarkiya. Mas malawak ang pinsala kapag nawalan ng kontrol ang gobyerno sa mga tao, kapag hindi na umiiral ang batas. Nakita natin ito sa mga unang araw matapos tumama ang bagyong Yolanda sa Tac­loban. Isipin na lang kung sa buong Metro Manila nangyari ang ganyang sitwasyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with