^

PSN Opinyon

Teleserye sa NBP

- Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

MUKHANG teleserye na ang palabas ni New Bilibid Prison (NBP) director Riener Cruz. Mula nang mailuklok siya noong 2015, linggu-linggo nang nagkakaroon ng panalalakay sa selda ng mga preso. Pero magpahanggang ngayon, wala pang napaparusahan bilanggong kakutsaba ng mga preso. Kaya ang ilang ayaw sa pamamalakad ni Cruz ay nagsasagawa ng hunger strike. Kasi nga nang iwanan ito ni De Lima matapos na ideklara ang kanyang ambisyon na maging senador ay mabigat ang tagubilin nito na ipapatupad na ang modernization sa lahat ng piitan sa bansa. Ngunit mapahanggang ngayon ay hindi pa naipapatupad kung kaya ang alingasngas na sabwatan sa pagpapasok ng mga kontrabando sa NBP ay naging mitsa ng paghihirap ng prisons guard. Kayat ang kanilang palahaw ay kung nasaan ang pangako ni De Lima na pagtataas sa suweldo.

Mukhang lumang tugtugin na itong isyung ito dahil pinangakuan na nga sila dapat pa bang tuparin. Antayin na lamang ninyo ang resulta ng 2016 election dahil tiyak na may malaking pagbabago sa inyong hanay. At habang nanliligaw pa si De Lima sa mga botante sa buong kapuluan, sundin na lamang muna ninyo ang paghihigpit ni Cruz dahil ito ang magiging susi sa pangarap n’yong pagbabago. Get nyo mga suki sa Bureau of Correction! Sa ngayon, iba’t ibang intriga na itong ibinubuyangyang ng mga nagha-hunger strike na prisons guard. Katulad na lamang sa kung saan napunta ang milyones na pera na nakumpiska sa Bilibid 19 noong unang pananalakay ni De Lima sa loob ng maximum compound? Bakit pinatutubos ang mga cell phone na nakukumpiska sa mga preso ng ilang tiwaling tauhan ni Cruz?

Mukhang masalimuot nga itong isyu mga suki, na dapat na burikiin ng P-Noy, dahil kung magpapatuloy itong pagtilamsikan ng laway ng mga disgustadong Prisons Guard tiyak na ang mapupulaan dito si De Lima. Di ba mga suki? Samantala habang nagmumuni-muni si Cruz sa kalakaran sa NBP nag-ambagan naman ang ilang opisyal ng Manila Police District at ako ng kaunting halaga na maitulong sa Ortho-Pedagogical Institute (OPI) of the Brothers of Charity para sa Special School for Children with special needs. Ngayong araw na ito, special ang okasyon ito para maipadama sa mga anghel ang tunay na pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng kunting financial assistance na itutustos sa proyekto ng OPI. Kasama ko rito sina Supt. Jacson Tuliao ng PS-3, Supt. Robert Domingo ng PS-6, C/Insp. Willy Sy ng CIDG-Manila, C/Insp. John Guiagui at Roel Robles. Mga suki, baka nais ninyong tumulong sa mga special child, iparating po lamang ito sa Ortho-Pedagogical Institite (Caritas Compound) sa 202 Jesus Street, Pandacan, Manila. Tel no: 564-0197. Fax no: 313-8499. Email: [email protected]

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with