^

PSN Opinyon

Special Program for the Employment of Students

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada - Pilipino Star Ngayon

PASADO na sa Senado ang panukalang batas na naglalayong palawakin at mas patibayin pa ang Special Program for the Employment of Students (SPES) upang mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming kabataan na makapasok sa nasabing programa. 

Para sa mga hindi nakaaalam, ang SPES ay isang programa ng pamahalaan mula pa noong 1992 kung saan ang mga estudyante ay maaaring magtrabaho (ang mga high school students tuwing Christmas at summer vacation, samantalang ang mga nasa kolehiyo o vocational ay maaaring magtrabaho kahit ka­ilan) upang makaipon ng sapat na panggastos para sa kanilang edukasyon. Ang suweldo sa mga mag-aaral na ito ay nagmumula sa pamahalaan at pribadong employer. Nabibigyan din sila ng academic at practicum o probationary training credits. 

Ayon kay Sen. Jinggoy Estrada na pangunahing may-akda ng batas, layon nito na maresolba ang mga natukoy na problema sa pagpapatupad ng SPES sa mga nagdaang taon (gaya ng mabagal na pagpapasuweldo sa mga mag-aaral) at mas mapakinabangan ang programa ng mas maraming kabataan na naghahangad na makatapos din sa pag-aaral. 

Sa ilalim ng kasalukuyang sistema ng SPES, ta­nging mga mahihirap na naka-enrol na mga estud­yante ang benepisyaryo ng programa. Kaya naman, mas pinalawig pa ito upang bigyan ng oportunidad ang mga out-of-school youth, at dependents o anak ng mga manggagawa na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng negosyo o kalamidad. Itinataas din ang edad na maaaring pumasok sa programa mula sa dating 15 hanggang 25 anyos, ay inakyat na ito sa 30 anyos. 

Sa ilalim din ng panukala, mas pinahaba ang araw ng trabaho mula sa 20 hanggang 52 araw lamang, ginawa na itong 78 araw. Ito ay tugon sa pahayag ng mga negosyo na hindi sapat ang 2 buwang training upang mabigyan ng karanasan at kaalaman sa trabaho ang student workers. 

Ginawa na ring mas simple ang pagbabayad sa mga mag-aaral sa ilalim ng SPES. Hindi na gagamit ng government vouchers at sa halip ay cash na ang ibibigay sa kanila bilang suweldo. 

Panghuli, pagkakalooban na rin ng benepisyo mula sa Government Service Insurance System (GSIS) sa loob ng isang taon ang student trainees, alinsunod na rin sa polisiya ng Department of Labor and Employment (DOLE). 

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with