^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bangis ng AIDS

Pilipino Star Ngayon

NAKABABAHALA ang report ng Department of Health (DOH) na 46 ang namatay at mayroong 650 na bagong kaso ng HIV-AIDS na naitala noong Dis­yembre 2015. Ayon sa DOH, pinakamataas ang kaso ng HIV sa Metro Manila (38%), na sinundan ng Calabarzon (15%), Central Luzon (10%), Davao Region (8%) at Central Visayas (7%).

Ang pagtaas ng kaso ng HIV-AIDS sa bansa ay taliwas naman sa report ng Joint United Nations Programme on HIV and AIDS (UNAIDS)  noong nakaraang Disyembre 2015 na bumaba raw ang kaso ng mga nagkakaroon HIV-AIDS sa buong mundo. Ayon sa UNAIDS, bumaba ng 35 percent ang mga nagka-HIV-AIDS infection mula nang tumaas ito noong 2000. Bumaba rin ngayong taon ng 42 percent ang mga namatay dahil sa nasabing sakit mula nang tumaas ang bilang noong 2004.

Nakababahala ang mabilis na pagtaas ng bilang ng mga nagkaka-HIV-AIDS. Noong Disyembre 2015, sinabi ng DOH na mayroong 6,555 kaso mula Enero hanggang Oktubre. At sa loob lamang ng dalawang buwan ay nadagdagan na agad ito.

Ayon sa Department of Health (DOH), ang mga nagpa-positive sa HIV-AIDS ay mga kalala­kihang nakikipagtalik sa kapwa nila lalaki. Nasa 80 per cent ang mga kaso nang pakikipagtalik sa kapwa lalaki. Ayon sa DOH, hindi gumagamit ng protection gaya ng condom ang mga nagtatalik. Sumunod na nagpopositibo sa HIV-AIDS ay ang mga drug user kung saan nag-iinject sila ng droga gamit ang iisang heringgilya dahilan para sila magka­hawahan.

Isang dahilan kung bakit may mga nahahawa pa rin sa kabila ng mga programa at babala ng DOH ay dahil sa kawalan ng kaalaman sa sakit na HIV-AIDS. Ayon sa report, mga lalaking nagtatrabaho sa call center ang karaniwang biktima ng sakit.

Marami pang Pilipino ang walang muwang sa AIDS. Sa kabila na marami nang namatay sa sakit na ito, salat pa rin sila sa kaalaman. Paigtingin pa ng DOH ang kanilang kampanya laban sa AIDS. Sa puspusang pagbibigay ng inpormasyon sa mamamayan maiiwasan ang sakit. Gamitin ang social media para maipabatid ang bangis ng HIV-AIDS at kung paano ito maiiwasan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with