^

PSN Opinyon

‘Palpak pa rin?’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

Hotlines: 09198972854

Tel. Nos.: 7103618

MAAYOS NA TRASPORTASYON ito ang pangunahing problema ng bansa. Mabagal na nga ang usad ng trapiko sa bansa pati mga namumuno sa ilang pangunahing sinasakyan ng mga tao mabagal pa ang kilos.

Kulang sa pamumuno at pagkakaroon ng kapabayaan, ito ang nakikita ni Senator Grace Poe kung bakit nagdurusa araw-araw ang mga tao sa pagsakay sa Metro Rail Transit (MRT),

Wala daw ibang dapat sisihin dito kundi si Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary na si Joseph Emilio Abaya.

Ilang oras nagtityagang pumila ang mga mananakay papasok pa lang ng MRT para bumili ng tiket. Bago ka pa makapasok sa riles o sa tren katakot-takot na pila na naman ang hihintayin mo dahil palyado ang kanilang machine na pinapasukan ng tiket.

Iilan lang ang bumibyaheng bagon kaya naman pagdating ng tren dahil nagmamadali na ang mga tao hindi na maiwasan ang balyahan at tulakan.

Kampante ka na sana na ilang minuto na lang ang hihintayin mo makakarating ka na sa pupuntahan mo pero bilang hihinto ang tren at sasabihing may nasiraan.

May mga riles ding binabaha kaya ang biyahe itinitigil sa ilang bahagi.

Noong nakaraang taon bumili ng bagong ‘ticket machine’ para magamit sa MRT pero ilang buwan pa ang hinintay bago ito magamit.

Wala ng libreng sakay tulad nung nakaraan na kapag mas mababa sa pamasahe ang matitira sa stored value card mo ay katumbas na ito ng isang libreng sakay.

Tumaas ang pamasahe pero ang kalidad ng serbisyo hindi nagbabago. Hindi ito makatarungan para sa mga mananakay na naiipit at nagtitiis sumakay sa mga palyadong tren ng MRT.

Sa kabi-kabilang reklamo ng taumbayan pinagtuunan na ito ng pansin. Ayon kay Sen. Grace hindi kumuha ng eksperto para pag-aralan ang naging problema ng namamahala.

Sabi ni Sen. Grace sa 45 pahina ng draft report ng Senate subcommittee sa public services na nakakuha sila ng transcripts of records at dokumento na isinumite, testimonya at talaan mula sa government agency kabilang ang DOTC, Department of Justice, National Economic Development Authority, Land Transportation Franchising Regulatory Board, mga pribadong sektor, stakeholders at transport advocates. Ganun din ang ilang organisasyon at grupo. Komunidad ng mga estudyante at probadong mamamayan.

“The subcommittee utilized all available data. All factors are considered from books to studies and reports, including observing demeanors and resource persons’ latitude of knowledge on a given mandate, responsibility and issue,” pahayag ng Senadora.

Ang mga isinumiteng dokumento, mga sagot ni Secretary Abaya tungkol sa isyu at sa kanyang mga kilos sa mga pagdinig, may mga dahilan siya sa pagliban. Sa kabuuan nagpapakita lamang ito ng kapabayaan at kabiguan.

Hindi daw siya kumonsulta sa eksperto para mapag-aralan ang mga kabiguang nangyayari. Hindi lamang daw boses ng namumuno ang kanilang dinidinig kundi binigyan din nila ng pansin ang hinaing at kahirapang ng mga mananakay.

Sa mga hindi gumaganang elevator at escalators pa lang ay makikita nang nagkaroon ng kapabayaan ang namumuno ng MRT. Maliit na bagay hindi nagagawan ng paraan para mas mapadali ang pag-akyat ng mga taong may kapansanan at matatanda. Idagdag mo pa ang hindi gumaganang aircon unit sa tren.

Sa ‘draft report’ ng subcommittee nirerekomenda nilang magsampa ng kaukulang kaso laban kay Abaya at ilang transport officials.

Ang report na ito ay isusumite sa Office of the Ombudsman, DOJ at Civil Service Commission para sa kaukulang hakbang. May matibay daw na indikasyon sa paglabag sa Republic Act No. 3019 o mas kilala bilang “Anti-Graft and  Corrupt Practices Act”.

Isinumite naman ang report na ito ni Sen. Grace kay Senator Serge Osmeña III bilang chairman ng Senate Committee on public services.

“Yes it’s, quite accurate, based on what I know and what I’ve read from the transcript. Very accurate po yun. She was able to get the gist of the problem. Pinapaimbestiga niya sa DOJ. Alam mo, the Ombudsman and the DOJ, they’re the ones who will be able to establish if there’s a prima facie case, if there’s what lawyers call a probable cause to file a case for graft,”  ayon kay Sen. Osmeña.

Malaking halaga ang inilaan ng pamahalaan galing sa pera ng mamamayan ang inilaan para bumili ng mga bagong bagon. Umaasa ang lahat na ngayong taon ay mas gaganda ang serbisyo ng MRT.

Taong bayan din ang nagpapasahod sa mga namumuno sa kanila kaya’t karapatan nating malaman kung anong mga hakbang ang ginagawa nila para masolusyonan ang mga problema.

Bakit kahit may bago ng tren ay pumapalya at nagkakaproblema pa rin? Kung susuriin kayang mabuti ang halaga na inilaan nila sa proyekto at ang tunay na halagang nagastos, wala kayang masisilip na anomalya dito?

Ilang taon pa bang maghihintay ang mga tao na umayos man lang ang serbisyo ng tren ng MRT? Ilang milyon pa ba ang kailangan ilaan para bumuti ang serbisyo?

Sa kabila ng kabi-kabilang paghiling na magbitiw si Secretary Abaya sa kanyang posisyon ay hindi pa din siya nagreretiro dahil tanging ang Pangulong Benigno Aquino III lang daw ang makakapagsabi kung dapat siyang magbitiw.

Malabo itong mangyari dahil sinabi nang mananatili si Abaya hanggang sa matapos ang termino ng Pangulo.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari rin po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with