^

PSN Opinyon

‘Plataporma, palabra’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

SIMULA na ng opisyal na kampanya para sa eleksyon bukas, Pebrero 9.

Asahan na, bawat pulitikong nag-aambisyon ng pwesto sa gobyerno, lalo pang  magiging agresibo sa kanilang mga plataporma at pangako.

Sigurado marami sa mga trapo kulang nalang pati buwan at bituin ipapangako sa tao para lang manalo.

Lahat ng kanilang mga sinabi at sasabihin pa puro kondisyunal. Palabra palang. Gagawin palang kapag nahalal na at nakaupo.

May mga pulitikong dating walang pakialam sa droga subalit ngayon kuntodo kampaya. Wawalisin daw nila ang droga sa Pilipinas kapag manalo.

Lilinisin daw ang hanay ng mga nakaupo sa gobyerno kung saan pinangangambahang maging narco state ang bansa dahil sa hindi pa kumpirmadong  namamayagpag nang narco politics.

Sina Mayor Rudy Duterte, Grace Poe, Sen. Bongbong Marcos at Sen. Peter Cayetano ang agresibong nagsasalita sa problemang ito.

Maliban sa alkalde ng Davao na matagal nang galit sa droga, lahat sila, mansanas ang tingin ngayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Irigasyon naman ang isa sa mga pinagtutuunan ngayon ng pansin ni Mayor Jojo Binay. Problema ng mga magsasakang nangangalam ang sikmura.

Hindi matiyak kung sadyang pinapahirapan ng kasa­lukuyang administrasyon ang mga “hampas-lupang” magsasaka.

Natuyot na’t lahat kasi ang maraming sakahan sa iba’t ibang rehiyon, subalit ang hinihiling nilang patubig, pahirapan pa rin.

Sa anumang kadahilanan, simula ng manungkulan si Pangulong Noy Aquino, tinanggal rin niya ang subsidiyang mga pataba at binhi para sa mga magsasaka.

Wala pang malinaw na plataporma ang ilan sa mga pulitikong nag-aambis­yon ng matataas na posisyon sa gobyerno.

Maliban doon sa pag-asa at paniniwala ng ilan na ipapamana sa kanila ang pwesto kasama na ang mga kapalpakan at kapabayaan sa uri ng kanilang pangangasiwa.

Tutal sinabi ninyo na rin sa publiko, hinahamon ko kayo  Mayor Duterte, Sen. Poe, Sen. Marcos, Sen. Ca­yetano at Mayor Binay. Tuparin n’yo ang inyong mga pangako.

Dahil kung hindi, ako mismo ang numero unong kritiko nyo sa mga binitiwan ninyong plataporma at pangako kapag nahalal kayo sa pwesto.

Abangan ang BITAG­ Live araw-araw na sabay na napapanood at napapakinggan tuwing alas 10:00-11:00 ng umaga sa Radyo5 92.3 News FM at Aks­yonTV. Para sa digital streaming, mag-log on sa bitagtheoriginal.com.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with