^

PSN Opinyon

Walang kita ang gobyerno sa Mt. Diwalwal

DURIAN SHAKE - Pilipino Star Ngayon

NAGSIMULA ang small-scale mining sa Mt. Diwalwal, Monkayo, Compostela Valley noong early 1980s hanggang marami sa mga financiers noon ay talagang tumiba at kumita nang limpak-limpak dahil nga ang Mt. Diwalwal ay sinasabing may pinakamayamang reserve ng gold ore sa bansa. 

May 8,100 hectare ang gold rush site ng Mt. Diwalwal na parte ng isang forest reserve na naging subject ng mining claims dahil na rin ito ay mga ancestral domain na naroon na bago pa man pumasok ang pamahalaan upang pangasiwaan ito.

Talagang masalimuot ang patuloy na mga unresolved legal battles sa Mt. Diwalwal.

Ito ay kasing salimuot sa mga walang pakundangang paghuhukay ng tunnels kahit na wala itong proper study sa composition ng lupa sa Mt. Diwalwal.

Libu-libo na rin ang  namatay dahil nga sa mga tunnels na ito kung saan ang mga minero ay nagpang-abot sa ilalim ng tunnels na kung saan nagpapasabog na sila ng dinamita sa baba. 

At ang  mga humahabol sa development projects ng gobyerno para sa Mt. Diwalwal ay ang Paper Industries Corp. of the Philippines (PICOP), ang Southeast Mindanao Gold Mining Corp (SEM) at ang may 50,000 na mga small-scale miners na mayroong existing service contracts sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

At sa tinagal-tagal ng panahon ay hindi naman nakinabang ang pamahalaan sa malaking kita sa pagmimina sa Mt. Diwalwal.

Walang nangyari sa sharing scheme noon na 85 percent para sa minero at 15 percent sa pamahalaan dahil nga hindi naman sinasabi ng mga minero kung magkano talaga kinita nila. 

Hanggang ngayon, binebenta pa rin ng mga minero ang ginto sa black market na kung saan ang  mga bumibili ay umaakyat pa mismo sa Mt. Diwalwal.

Ito ay makikita sa bilihan sa Bangko Sentral ng Pilipinas dito sa Davao City na kung saan bumagsak ang bilihan nito sa mga minero na dating nagdadala ng gold ore nila halos lahat sa BSP buying station. 

At sa pagpasok ng susunod na administrasyon sana mahanapan na rin ng paraan na kahit paano ay kikita naman ang pamahalaan at hindi na lang ang mga financiers nito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with