^

PSN Opinyon

Mga ugaling Pinoy

Danton Remoto - Pilipino Star Ngayon

LAGI tayong late. Ke natrapik, late dumating ang sasak-yan, o nadulas sa balat ng saging sa daan, may dahilan tayo kapag late.

Isa kang pack rat. Wala kang maitapon sa iyong mga gamit. Kahit test paper mo noong Grade 1 ka pa lang sa Baryo Gumamugam, hindi mo maitapon.

Hindi ka diretsang makatanggi sa isang imbitasyon. Imbes, sinasabi mong “Susubukan ko,” o kaya ‘y “Titingnan ko.” Parang kantang “Call Me Maybe.”

Dinadaan mo na lang sa joke ang masamang sitwasyon. Noong nag-aaral pa ako sa Amerika, isang oras matapos ang pagbagsak ng Twin Towers sa New York, may text na sa akin ang mga kaibigan ko mula sa Pilipinas. Say nila: “Don’t take United Airlines. It brings you right to your office!”

Mangungutang ka magkaroon lang ng selebrasyon. And speaking of celebrations, kunyari ayaw mong kumanta sa videoke, pero kapag hawak mo na ang microphone, hindi ka na mapaupo ng mga kasama mo.

Magaling kasi kumanta at  sumayaw ang mga Pinoy. Saan man sa buong mundo, may Pilipinong singer, banda, at dancers. Tayo ang entertainers of the world. Nang bumisita ako sa Thailand, pumunta kami sa isang hotel para manood ng banda. Akala nami’y Pinoy band sila, pero nang magsimula ng kumanta ng “I Will Suway. I Will Suway…” Thai band pala! Lumipat na lang kami ng ibang hotel.

Mataas ang tolerance natin sa pain at suffering. And speaking of suffering, 20 years po bago natin napatalsik ang Marcos dictatorship. At ang mga Pinoy, sumama sa EDSA para mag-usisera at usisero. O kaya’y kumain ng ice cream, mani, at cotton candy. O magdala ng bulaklak para sa mga sundalo. O pagkain at tubig sa mga nagugutom. Tayo po ang unang mapayapang rebolusyon sa modernong kasaysayan ng buong mundo.

Ang ating people power revolution ay modelo ngayon ng mapayapang pagbabago  sa buong mundo. Pero 30 years after EDSA, may nagbago ba?

Comments: [email protected]

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with