^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kastiguhin mga sutil na bus driver

Pilipino Star Ngayon

LALONG dumami ang mga sutil at pasaway na bus driver ngayon na naglalagay sa kapahamakan ng buhay ng mga pasahero at motorista. Wala silang pakialam kung makasagasa man o mabangga ang kanilang minamanehong bus. Ang ilan, nakikipagkarera pa.

Noong nakaraang taon, isang bus driver na kinantiyawan ng mga pasahero na mabagal daw ang pagpapatakbo ang napikon at binilisan ang pagpapatakbo. Sa bilis ng takbo bumangga sa konkretong arko ang bus na ikinamatay nang ilang pasahero at maraming nasugatan. Nang i-drug test ang driver, nagpositibo ito. Nakakulong pa ang driver at binawian ng lisensiya.

Noong nakaraang linggo nakunan ng video ang Joanna Jesh Bus habang inaararo ang mga nakahanay na orange plastic barriers sa EDSA. Nagbagsakan at tumilapon ang plastic barriers. Mabuti at walang naaksidenteng sasakyan.

Agad kumilos ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para makilala ang driver at operator ng Joanna Jesh. Agad namang sumuko si Labin at nagpaliwanag na ginitgit daw siya ng isang bus kaya nasagasaan ang plastic barriers. Pero sabi ng mga pasahero ni Labin, nakikipagkarera raw ito at mabilis ang takbo kaya nasagasaan ang barriers.

Hindi kinagat ng LTFRB ang alibi ni Labin at agad itong sinuspinde ng tatlong buwan at maaari pang bawian ng lisensiya. Pinagpapaliwanag din ng LTFRB ang operator ng bus company. Sabi naman ng MMDA, babayaran ni Labin ang mga plastic barriers na ang bawat isa ay nagkakahalaga ng P3,500.

Ilang taon na ang nakararaan, isang propesor sa UP Diliman ang namatay nang banggain ng isang bus ang kanyang kotse sa Commonwealth Avenue. Nakikipagkarera ang bus sa isa pang bus nang mangyari ang aksidente.

Maraming sutil at walang disiplinang bus driver at dapat lamang kastiguhin ang mga ito. Maghigpit naman ang Land Transportation Office (LTO) sa pagbibigay ng lisensiya sa mga bus driver at baka ang maisyuhan ay mga sira ang ulo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with