^

PSN Opinyon

Poe nakalusot, Duterte nanguna

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

DALAWANG malaking kaganapan ang bumuhay sa presidential race nitong nakaraang buwan. Una, kinatigan ng Senate Electoral Tribunal na natural-born Filipino si Grace Poe, na napulot sa simbahan bilang sanggol. Sinasabing maiimpluwensiyahan ng desisyong ‘yon ang Comelec na patakbuhin siya bilang Pangulo; 10 taong residency na lang ang matitirang isyu laban sa kanya.

Ikalawa, sumali na sa wakas si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa karera sa Pampanguluhan. Nabuo ang pasya niya dahil din umano sa pagkatig ng SET kay Poe, na para kay Duterte ay naturalized Filipino kaya hindi maaring magsenador o presidente.

Katangi-tangi sina Poe at Duterte. Si Poe ay nangu-nguna sa lahat ng pambansang survey ng “presidentia­bles.” Umaabot sa 40% ang suporta niya, kasunod si VP Jojo Binay na 24%, at Mar Roxas na 21%.

Pero sa Metro Manila, nangunguna si Duterte. Isa sa bawat tatlo, o 33%, ang nawiwili sa kanyang matitigas na salita kontra kriminalidad.

Dating nangunguna si Binay, bago sumali sina Poe at Duterte. Bumagsak ang survey ratings niya dahil sa paninira nina Senador Alan Peter Cayetano, Antonio Trillanes IV, at Koko Pimentel sa hearings ng mga umano’y ano-malya sa Makati City kung saan dati siyang meyor. Pero sinasabi rin na meron siyang loyal following na 20-24% ng mga botante, ano man ang paninira na gawin sa kanya.

Unti-unting umaangat ang ratings ni Roxas. Nakaka­pagtaka ito para sa political analysts, dahil akala nila makakasira sa kanya ang anointment ni P-Noy. Lalo na’t puro negatibo ang mga balita sa mga kilos at salita ni P-Noy sa isyu ng “tanim-bala,” pagbaba ng individual income tax rates, at traffic na idinulot ng APEC summit, mahihila umano pababa si Roxas. Pero nakakaungos siya paunti-unti.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANTONIO TRILLANES

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO DUTERTE

DUTERTE

GRACE POE

JOJO BINAY

KOKO PIMENTEL

MAKATI CITY

MAR ROXAS

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with