^

PSN Opinyon

‘Si Kristo sa aming komunidad’

- Tony Calvento - Pilipino Star Ngayon

KANYA-KANYANG GIMIK pagdating ng pasko. Nagsisimula na ang mga nagka-caroling at pagtitinda ng mga panregalo para mas kumita.

Madiskarte ang Pilipino, hindi lang pagsasaya at paghahanda ang iniisip kundi pati negosyo. May iba naman na namamahagi ng kanilang mga nakuhang biyaya sa mga taong kapos-palad.

Ilan lang sa mga pakulong ginagawa ngayong Pasko ay ang pagandahan ng dekorasyon sa bawat bahay. Kung kanino ang pinakamaningning siya ang mananalo.

Meron din namang pagalingan sa pangangaroling tulad na lang ng inihanda ng isang komunidad na binuo ng kilalang developer na Property Company of Friends Inc. (PRO-FRIENDS) sa Lancaster New City sa Cavite.

Isang magandang palabas ang handog nila sa kanilang mga residente at mga bisita ngayong buwan ng Disyembre. Hindi sila nagpapahuli sa ilang patimpalak kaya’t inilunsad nila ang ‘Christmas Light Show’ noong nakaraang Nobyembre 28, 2015.

Tatagal ang palabas nilang ito hanggang sa unang linggo ng Enero 2016. Layunin ng PRO-FRIENDS na magsama-sama ang kanilang mga residente at maging ang mga bisita sa panonood ng magandang palabas nang hindi gumagastos ng malaki o bumibiyahe ng malayo.

Alas sais ng gabi hanggang alas diyes ng gabi ang oras ng mga palabas ng PRO-FRIENDS sa Lancaster New City.

Hindi kompleto ang Pasko ng Pilipino kung hindi sila nakakadalo ng tradisyonal na Simbang Gabi. Para abot na ng mga residente ang lahat ng kanilang kailangan at gustong gawin magdadaos ng Simbang Gabi sa mismong simbahan sa loob ng Lancaster New City, ang Church of Holy Family.

Napakahalaga para sa atin na dumalo sa mga misa upang hindi natin malimutan ang tunay na kahulugan ng Pasko. Hindi lamang ito pagsasaya ngunit paggunita din sa kapanganakan ng ating Pa­nginoong Hesukristo.

Magsisimula ang misa sa ika-16 ng Disyembre hanggang ika-24 mula alas sais ng gabi. Lahat ng mga nagsimba ang maaaring manood ng Christmas Lights and Sounds Show pagkatapos ng misa.

Paraan din ito ng PRO-FRIENDS para mas maraming mamama­yan ang maengganyong magsimba dahil marami silang mapapasyalan sa komunidad pagkatapos ng misa.

Ilan na dito ay ang inihanda nilang banchetto at bazaar para sa mga residente at bisita.

Ang pulang tent ay malapit lang sa pagdadausan ng misa. Sari-saring pagkain at mga bagay ang mabibili sa bazaar.

Bukas ang mga ito mula noong Nobyembre 28-29, 2015. Magpapatuloy pa sila sa buwan ng Disyembre sa mga petsang 5-6, 12-13, 15-22, 26-27 mula alas diyes ng umaga at magsasara pagdating ng alas diyes ng gabi.

Hindi dito nagtatapos ang handog sa inyo ng PRO-FRIENDS, marami pang masasayang kaganapan sa Lancaster New City ngayong Pasko, magaganap din sa kauna-unahang ‘commercial-retail establishment’ ng lugar na tinatawag na ‘The Square’ ang ‘chorale competition’.

Ang tema ng kompetisyong ito ay pinamagatang ‘The Sound of Christmas at The Square’. Ang maglalaban-laban dito ay ang mga chorale groups mula sa iba’t-ibang paaralan ng elementarya sa Cavite.

Sa Disyembre 19, 2015 gaganapin ang kompetisyong ito at inaanyayahan ng PRO-FRIENDS ang lahat na manood. May mala­king Christmas Tree din doon na pwede silang magkuhaan ng litrato.

Sa loob ng isang taon maraming ginagawang aktibidad at programa ang PRO-FRIENDS para sa mga residente ng kanilang mga binuong komunidad. Gusto nilang isulong ang pagiging malapit ng bawat miyembro ng pamilya at maging sa kanilang mga kapit-bahay.

Sa ganitong paraan nila naiisip na maaaring magtulungan ang bawat isa. Sisimulan sa isang indibiwal hanggang sa lumawig ito at buong komunidad na ang maglahad ng mga palad sa iba.

Ang Lancaster New City ay isang Family-Friendly City. Ang unang inisip ng PRO-FRIENDS dito ay ang mga pangangailangan ng isang pamilya.

Lahat ng mga ito ay ipinagkaloob nila. Nagtayo sila ng eskwelahan sa loob ng komunidad para mas maging madali sa mga magulang. Mas nakakampante sila na hindi bumabiyahe ng malayo ang kanilang mga anak at mas ligtas ito sa pinapasukan.

May grupo na ding itinatag ang mga residente doon na maaaring magtinda ng kani-kanilang produkto sa kapwa nakatira sa komunidad. Dagdag kita ito para sa mga magulang na nasa tahanan lang.

Ang bawat bahay ay may nakalaan ding espasyo para makapaglaro ang mga bata.

Hindi naman nila nalilimutan ang pagtatayo ng simbahan para mas mapalapit sa Diyos ang mamamayan. Lalo na ngayong Pasko na lahat ng pasasalamat ay dapat nating ialay sa kanya.

Ang Lancaster ay mayroong 1,400 hectares na sumasaklaw sa Imus, Kawit at General Trias, Cavite.

Lahat ng kakailanganin ninyo dinala na sa inyo ng PRO-FRIENDS para mas maging maganda at magaan ang pamumuhay ng bawat pamilya.

Ang mga aktibidad na ginagawa nila ay hindi eksklusibo sa mga residente lamang, bukas ang kanilang mga pintuan sa bisitang nais makilahok at makiisa sa kanilang layunin.

Sa lahat ng may katanungan o sa iba pang impormasyon maaari ninyong bisitahin ang lancasternewcity.com.ph o ang facebook.com/LancasterNewCityOfficials.

Pwede din kayong tumawag o magtext sa numerong 0917-537-3934 para sa Christmas Light Show, Banchetto at Bazaar.

PARA SA ANUMANG REAKSYON, sa mga biktima ng krimen o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

Hotline: 09198972854

Tel. No.: 7103618

vuukle comment

ACIRC

ANG

FRIENDS

HINDI

ITO

KANILANG

LANCASTER NEW CITY

MGA

PARA

PASKO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with