^

PSN Opinyon

EDITORYAL – ‘Pink diamond’ ni Imelda

Pilipino Star Ngayon

ISUSUBASTA na ang mga koleksiyon ng alahas na nakumpiska ng gobyerno sa Marcos family noong 1986 makaraang tumakas sa kasagsagan ng People Power revolution. Isa sa mga alahas na nakumpiska ay ang pink diamond na ngayon lamang­ lubusang nasuri at nagkakahalaga umano­ ng P235 milyon ($5 milyon). Ayon sa jewelers ng Christies auction house na nagsasagawa ng appraisal sa pink diamond, pinaniniwalaang ito ay ginamit pa ng Mogul emperor libong taon na ang nakararaan. Kung bakit ngayon lamang nasuri­ ang pink diamond, wala namang masabi ang Presidential Commission on Good Government (PCGG) ukol dito.

Ayon sa jewelers, ang briolette-cut barrel-shaped pink diamond ay nakalalaway umano dahil sa angking kagandahan nito. Sabi pa, sinumang makakakita sa diamond ay manginginig ang tuhod dahil sa sobrang kagandahan ng alahas.

Mayroong kabuuang 700 piraso ng Marcos jewelry­ ang ipasusubasta ng pamahalaan at inaasahan nilang matatapos na ito. Tatlumpung taon na ang nakalilipas mula nang makumpiska ang mga alahas at nararapat na raw magwakas na ang pag-iingat dito. Kailangan daw mapakinabangan ng taumbayan ang mapagbebentahan sa mga alahas­. Kasalukuyang nasa vault ng Central Bank of the Philippines ang mga alahas na pinaniniwalaang nakamal ng Marcos family sa maraming taon na pananatili sa puwesto.

Panahon na para isagawa ang mabilisang pag­su­subasta sa mga alahas para magamit ito sa mga proyekto para sa mamamayan. Ayon sa PCGG, ang proceeds sa mga isusubastang alahas ay mapupunta sa Department of Agrarian Reform (DAR). Sana ay magamit nang maayos ang mapagbebentahan. Hindi sana ito makurakot nang matatakaw na buwaya. Siguruhin na ang lahat nang proceeds mula sa mga alahas ay magagamit nang maayos at makakatulong para mapaunlad ang agraryo. Maaaring umunlad ang kalagayan ng mga karaniwang mamamayan mula sa mga nakalalaway na alahas.

vuukle comment

ACIRC

ALAHAS

ANG

AYON

CENTRAL BANK OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

GOOD GOVERNMENT

MGA

PEOPLE POWER

PRESIDENTIAL COMMISSION

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with